Pumunta sa nilalaman

Kristiyanismong Siriako

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kristiyanismong Syriac)

Ang Syriac o Kristiyanismong Syrian (Siriako: ܡܫܝܚܝܘܬܐ ܣܘܪܝܝܬܐ‎, mšiḥāiūṯā suryāiṯā) ang mga Kristiyanong nagsasalita ng wikang Syriac ng Mesopotamia na binubuo ng maraming mag tradisyong Kristiyano ng Kristiyanismong Silanganin. Ang kasaysayan nito ay bumabalik pa sa unang siglo CE at kinakatawan sa modernong panahon ng mga denominasyong pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at sa Kerala, India. Ang mga serbisyo sa traisyong ito ay gumagamit ng sinaunang Syriac na isang dialektong Gitnang Aramaiko na pinaniniwalang direktang nauugnay sa Aramaikong sinalita ni Hesus.[1] Ang Kristiyanismong Syriac ay nahahati sa dalawang mga pangunahing tradisyon: ang Ritong Silangang Syrian na nakasentro sa Assyria/Mesopotamia, at Kanlurang Syrian na nakasentro sa Antioquia. Ang Ritong Silangan ay nauugnay sa kasaysayan sa Simbahan ng Silangan at kasalunyang ginagamit ng mga simbahang nagmula rito na Asiryong Simbahan ng Silangan, Sinaunang Simbahan ng Silangan, and the Simbahang Kaldeong Katoliko, at Simbahang Katolikong Syro-Malabar ng India. Ang tradisyong Kanlurang Syrian ay ginagamit ng Simbahang Ortodoksong Syriac, Simbahang Maronite at Simbahang Katolikong Syrian gayundin ng mga Simbahang Malankara ng tradisyong Santo Tomas sa India.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Allen C. Myers, ed (1987). "Aramaic". The Eerdmans Bible Dictionary. Grand Rapids, Michigan: William B. Eerdmans. p. 72. ISBN 0-8028-2402-1. "It is generally agreed that Aramaic was the common language of Palestine in the first century A.D. Jesus and his disciples spoke the Galilean dialect, which was distinguished from that of Jerusalem (Matt. 26:73).". Israeli scholars have established that Hebrew was also in popular use. Most Jewish teaching from the first century is recorded in Hebrew.