KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
ARALIN 1.1 KAHULUGAN AT KABULUHAN NG WIKA
Wika - ito ay ang pangunahing kasangkapan sa pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng kaisipan,
saloobin o damdamin. Ang wika ay isang kasangkapang nag-uugnay sa mga tao sa isa’t isa sa loob ng
isang tiyak na pamayanan.
ESTRUKTURA - balangkas o pagkabuo ng isang salita
PAGSASALIN - pagbibigay ng katumbas na salitang nasa ibang wika
DALUBWIKA - dalubhasa o eksperto sa wika
LINGGUWISTIKA - agham ng pagsusuri ng wika
Ang wika ay walang isang tiyak na kahulugan. May sariling pagpapakahulugan sa wika ang bawat
dalubwika o linguist.
HENRY ALLAN GLEASON JR.
- isang dalubwika at propesor sa University of Toronto
- ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na isinasaayos sa isang paraang
arbitraryo upang magamit ng tao bilang bahagi ng isang kultura sa komunikasyon
HENRY SWEET
- siya ang nagpapakahulugan ng ideya sa pamamagitan ng mga pinasama-samang tunog upang
magig salita
- siya ay isang pilologo, ponetisyan, at mambabalarila
FERDINAND DE SAUSSURE
- ang nagpapakahulugan sa wika bilang isang pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa
patakaran ng isang balarila upang maipahayag ang komunikasyon
MASISTEMANG BALANGKAS - may sinusunod na ayos o estruktura
SINASALITANG TUNOG - gumgamit ng mga tunog at salita
ARBITRARYO - maaaring magbago ang ayos at kahulugan
MAGAMIT NG MGA TAO - mahalagang aspekto ng buhay, kultura, at lipunan
KOMUNIKASYON - ginagamit sa pakikipag-usap at pagpapahayag
DALUBWIKA - turing sa isang taong nagpapalalim at nagpapalawak ng kaalaman sa wika
LINGGUWISTIKA - ang siyentipikong pag-aaral at pagsusuri ng wika
APAT NA MAKRONG KASANAYAN
- pagbasa
- pagsulat
- pakikinig
- pagsasalita
PAMBANSANG ALAGAD NG SINING PARA SA PANITIKAN
- Virgilio Almario
- Bienvenido L. Lumbera
DATING KALIHIM NG NOO’Y KAGAWARAN NG EDUKASYON, KULTURA AT ISPORTS
- Bro. Andrew Gonzalez
- FSC
PROPESOR NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
- Pamela Constantino
Ang wika ay daan sa pagkakaunawaan ng mga tao. Bukod sa pagsasalita, ang wika ay may tungkulin
din sa proseso ng pagsulat at pag-unawa sa binasa.
NUNCIO ( 2016 )
1. Gamit sa Talastasan - pasulat man o pasalita, ang wika ay pangunahing instrumento sa
pagpapahayag ng saloobin at damdamin
2. Lumilinang sa Pagkatuto - ito ang mga akdang naisulat na, gaya ng panitikan at kasaysayan, ay
nagpaunlad ng ating kaisipan
3. Saksi sa Panlipunang Pagkilos - sa ating kasaysayan, sa pamamagitan ng wika, naisasakatuparan
ang mga planong pagkilos upang makamit ang ating kalayaan at mga panlipunang pagbabago
4. Lalagyan o Imbakan ng Kultura - ang wika ay imbakan ng kaalaman. Isa itong linyang nagdurogtong
ng mga trdisyon ng isang tiyak na pangkat ng tao sa nakaraan, kasalukuyan, at sa bago at mga
sumusunod pang henerasyon
5. Tagapagsiwalat ng Damdamin - wika ang nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin, tulad ng saya,
lungkot, galit, at iba pa
6. Gamit sa Imahinatibong Pagsulat - wika ang kasangkapan sa pagbuo ng mga akdang pampanitikan,
lalo na iyong mga malikhaing akda tulad ng kuwento, tula, dagli at iba pa.
ARALIN 1.2 MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA
TEORYA - ay isang sistematikong paliwanag ng magkakaugnay na mga bagay. Itinuturing din itong
haka-haka ng mga taong nagtatangkng magpaliwanag ng ilang bagay.
NAGTATANGKA - sumusubok
SISTEMATIKO - maayos
TEORYA - espekulatibong pananaw
DALAWANG TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG WIKA
- TEORYANG BIBLIKAL - ito ay nakabatay sa bibliya, isinasalaysay ito sa kasaysayan ng Tore ni Babel
na makikita sa Lumang Tipan at Pentecostes na nasa Bagong Tipan
GENESIS 11:1-9 - dito mababasa ang kasaysayan ng Tore ni Babel, na kilala rin sa tawag na Teorya ng
Kalituhan. Adamic at Noahic. Nagkaisa ag mga tao na magtayo ng isang mataas na tore sa kapatagan
ng Shinar.
GAWA 12:1-12 - dito mababasa ang kuwento ng Pentecostes
- TEORYANG SIYENTIPIKO - ito ay batay sa mga lumabas na pag-aaral ng mga dalubhasaba at
dalubwika. Nagsimulang umusbong ito ang mga ito noong ika-12 siglo.
- TEORYANG BOW-WOW - tunog na nagmula sa kalikasan
- TEORYANG DING-DONG ( teoryang nabistiko ) - tunog na nagmula sa mga bagay
- TEORYANG POOH-POOH - tunog na nagmula sa matinding damdamin o emosyon
- TEORYANG YO-HE-HO - tunog na nililikha ng ingay dahil sa puwersang pisikal
- TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY - tunog na nagmula sa ginagawang ritwal ng mga sinaunang tao
ARALIN 1.3 MGA KALIKASAN NG WIKA
ALINTUNTUNIN - mga batas o patakaran na dapat sundin sa pagsasagawa nga isang bagay
ENDEMIKO - natatangi o makikita lamang
SALIK - bagay o pangyayaring nakaapekto sa isa pang pangyayari
SUBHETIBO - nakabatay sa sariling paniniwala o pananaw ng isang tao
KONTEKSTO - sitwasyon, panahon, o konsepto
KALIKASAN NG WIKA - tumutukoy ito sa mga taglay na katangian ng isang bagay o penomeno
LIMANG KALIKASAN NG WIKA BATAY NI GLEASON
1. MASISTEMANG BALANGKAS - ito ay organisado at nabubuo sa pamamagitan ng pagsunod sa isang
tukoy na proseso at batay sa mga alintuntunin ng balarila o gramatika
2. SINASALITANG TUNOG - nagsisimula ang pagkakaroon ng wika sa mga tunog, tulad ng /a/, /k/, at /o/.
3. ARBITRARYO - pinagkasunduan ng mga gumagamit ang mga salita.
4. GINAGAMIT NG TAO - ang wika ay pantao sapagkat tao lamang ang may kakayahang gumamit nito
5. BAHAGI NG KULTURA - sumasalamin sa kalagayan ng lipunan ang mga salitang nakapaloob sa isang
wika
ARALIN 1.4 MGA ANTAS NG WIKA
DALAWANG KATEGORYA ANG ANTAS NG WIKA
DI - PORMAL
PORMAL
LUNDAYAN - sentro ng isang lugar o sibilisasyon
MARIKIT - maganda
SINISINTA - iniibig, hinahangaan, o taong minamahal
DI - PORMAL NA WIKA
- ang wikang madalas nating ginagamit ag nasa kategoryang di-pormal
- di-pormal ang wika kapag ginagamit sa araw-araw na pkikipag-usap.
TATLONG ANTAS NG DI-PORMAL NA WIKA
KOLOKYAL - antas ng wika na ginagamit natin halos araw-araw na pakikipag-usap. Hindi ito
kinakailangang nakasunod sa estruktura at alintuntunin ng balirala
BALBAL - ito ang mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon. Madalas itong
naririnig na ginagamit sa lansangan.
- mga salitang karaniwang ginagamit sa pang araw-araw na usapan at kadalasang naiintindihan
lamang sa loob ng partikular na grupo o kumonidad.
PANLALAWIGAN - kilala rinsa tawag na diyalekto, ginagamit ito sa mga tiyak na pook o lugar
PORMAL NA WIKA
- ginagamit at kinikilala ng marami o mas malakig pangkat ng tao ang pormal na wika
DALAWANG ANTAS NG PORMAL NA WIKA
PAMBANSA - itinuturing na pinkamatas na antas ng wika. Ginagamit ito sa mga pampaahalaang
opisina, kompanya, paaralan, at pkikipagtalastasan
PAMPANITIKAN - ginagamit sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan, tulad ng tula, kuwento, at
sanaysay