BUWAN NG WIKA 2024
Panimula: Magandang hapon po sa ating lahat. Ang atin pong
programa ay magsisimula sa ganap na alas-tres ng hapon.
Lara: Naimbag a bigat, Maayong buntag, Mayap a abak, Ma abig ya
kabwasan, isang Makawika at mapagpalang umaga sa inyong lahat.
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika.
Ngunit bakit ako bumati gamit ang ilokano, Cebuano, Kapampangan, at
Pangasinense eh pawang mga Wikang Katutubo iyon ng ating bansa?
Bakit hindi tagalog lang na magandang umaga? Eh Tagalog naman ang
ating Pambansang Wika. Nagkakamali po kayo. Ang ating Pambansang
Wika ay hindi Tagalog kundi Filipino. Napagpasyahan lamang noon ng
Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay tinatawag ng Komisyon ng
Wikang Filipino na ang tagalog ang gawing batayan upang mabuo ang
ating wikang Pambansa na siya namang ipinagutos ng ating dating
Pangulong Manuel Luis Molina Quezon, yan ay sa ilalim ng Kautusang
Tagapagpaganap, bilang isang daan tatlumput apat, taong isang libo
siyam na raan tatlumput pito. Kaya ang ating Wikang Pambansa na
Filipino ay hindi lamang purong tagalog kundi ito ay binubuo ng
pinagsama-samang mga Katutubong Wika ng ating bansa. At kabilang na
roon ang Tagalog, Ilokano, Cebuano at marami pang iba. Kaya naman ang
tema ng ating pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong
Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan”.
Remy: Ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang
payabungin at ipagmalaki ang ating sariling wika. Pagkakataon din natin
ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang
Wika ay hindi lamang instrumento ng komunikasyon kundi siya ring
pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang
isang bansa. Kaya bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng
Wika, ay uumpisahan na natin ang ating palatuntunan.
Panalangin
Lara: At bilang panimula ay inaanyayahan ko na magsitayo ang lahat
para sa panalangin na pangungunahan Multimedia.
Remy: Maaari na po tayong magsiupo. Para magbigay ng pambungad na
mensahe, tawagin natin ang ating Punong Guro at Tagapangasiwa ng
Palatuntunang ito, walang iba kundi si Gng. Hermilita A. Maestrado.
Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!
Pambungad na pananalita – Gng. Maestrado
Lara: Maraming salamat, Gng. Maestrado
Sa puntong ito ay sabay-sabay nating awitin ang awit sa komunidad na
pinamagatan “Pinoy Ako”
Presentasyon ng bawat baitang
Remy: Mga bata, gusto niyo na bang makita ang ibat-ibang talent ng
inyong mga kamag-aral? Eksayted na ba kayo?
Kung ganon, ngayon naman ay sisimulan na nating tunghayan ang
kanilang talent na mula sa mag-aaral ng SPED sa kanilang sabayang awit
na pinamagatang äkoy isang pinoy. Bigyan natin sila ng malakas na
palakpak.
Kindergardten SAYAW”MAGTANIM AY DI BIRO”
- Masigabong palakpakan
Unang Baitang – PAG-AAWIT NG SOLO NI PRINCESS ABEGAIL C. DAHAO
-masiglang palakpakan
Ikalawang Baitang- SAYAW NA ÏTIK-ITIK”
-malakas na palakpak para sa ikalawang baiting
Ikatlong Baitang-SABAYANG PAGBIGKAS “WIKANG MAPAGPALAYA”
-malakas at masigabong palakpak
Ikaapat na Baitang- SABAYANG AWIT ÄWIT NG ANAK SA MAGULANG”
-napakalakas na palakpak
Ikalimang Baitang- INTERPRETATIBONG SAYAW “PILIIN MO ANG PILIPINAS”
-masigla at masayang palakpak
Ikaanim na Baitang- SABAYANG AWIT “KINABUHING BUKIDNON”
-napakamasayang palakpak
Ngayong nasaksihan na natin ang iba’t ibang talent ng mga mag-aaral sa
Mahinog Central School bilang pagpapakita ng kahalagahan ng kultura ng
mga Pilipino.
PANUNUMPA
Dumako naman tayo sa pangalawang bahagi ng ating palatuntunin ang
Induction ng mga opisyal ng General Parent- Teacher association.
Inaanyayahan po naming ang mga opisyal na gumalak dito sa entablado
kasama ang ating kagalang-galang na si Corazon B. Chua upang
pangunahan ang Panunumpa.
Paggagawad ng Sertipiko
Ngayon ay dumako naman tayo sa paggagawad ng Sertipiko at
Binabati ko kayo mga bata sapagkat Tunay ngang magagaling kayo sa
ibat-ibang talent na kinyong pinapakita at Ipagpatuloy niyo lang ang mga
magagandang kaugalian ng mga Pilipino.
Bago mag bigay ng pangwakas na pananalita ngayon matutunghayan
naman natin ang mga kahusayan ng ating mga guro sa kanilang
presentasyon.
Pangwakas na Pananalita
Malugod po naming Tinatawagan si Ginang Aldie Catherine C. Atienza
para sa kanyang pangwakas na pananalita.
Maraming Salamat po Ginang Atienza. Sa ating mayamang salita, madali
nating makikita ang iba’t ibang impluwensiya na siyang nakapagbago at
humulma sa pagkatao ng mga Filipino.
Samakatuwid, ang wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating
seguridad, kapayapaan, at ingklusibong pagpapatupad ng katarungang
panlipunan. Kaya naman mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni
Gat. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at
malansang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng Inang sa atin ay
nagpala.”
At dito nagwawakas ang ating palatuntunan sa Buwan ng Wikang
Pambansa Dalawang libo, Dalawampu’t apat.
Ako si Ginang LARA MELISSA M. TABAMO at ako naman si REMY S. SABIO
at kamiý nagsasabi na mabuhay ang Wikang Filipino! (play “Ako’y Isang
Pinoy)