Pumunta sa nilalaman

Rebecca Hall

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 11:23, 8 Disyembre 2023 ni 124.106.180.12 (usapan)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Si Rebecca Hall noong 2010

Si Rebecca Maria Hall ay ipinanganak noong 3 Mayo 1982. Sya ay isang Ingles na artista at gumagawa din ng pelikula. Ginawa niya ang kanyang unang paglabas sa pelikula sa edad na 10 noong 1992 na adaptasyon sa telebisyon ng The Camomile Lawn, sa direksyon ng kanyang ama na si Sir Peter Hall. Ang kanyang unang propesyonal na yugto ay naganap sa produksyon ng kanyang ama noong 2002 sa pelikulang Propesyon ni Mrs. Warren, na nakapag panalo sa kanya ng Ian Charleson Award.

Noong 2006, kasunod ng kanyang unang pagganap sa pelikula na Starter for 10, nakuha ni Hall ang kanyang pambihirang papel sa thriller na pelikula ni Christopher Nolan na The Prestige. Noong 2008, gumanap siya bilang Vicky sa romantic comedy-drama ni Woody Allen bilang Vicky Cristina Barcelona, kung saan nakatanggap siya ng Golden Globe na parangal bilang isang Best Actress. Pagkatapos ay lumabas si Hall sa maraming hanay ng mga pelikula, kabilang ang makasaysayang drama ni Ron Howard na Frost/Nixon noong 2008, ang drama ng krimen ni Ben Affleck na may pamagat na The Town noong 2010, ang pelikulang takutan at kaba na may pamagat na The Awakening noong 2011, ang pelikula patungkol sa mga superhero na Iron Man 3 noong 2013, ang piksyong agham na Transcendence noong 2014, ang sikolohikal na takutan na The Gift noong 2015, ang pelikula ng aktwal na aksyon ng pantasya at pakikipagsapalaran na may pamagat na The BFG noong 2016, ang biograpikal na drama na si Professor Marston at ang Wonder Women noong 2017, ang pelikulang tungkol sa halimaw na si Godzilla vs. Kong noong 2021 at ang paparating nitong sequel o ang susunod na bahagi ng Godzilla x Kong: The New Empire sa 2024. Noong 2016, si Hall ay pinuri ng mga kritiko para sa kanyang pagganap bilang reporter ng balita na si Christine Chubbuck sa biograpikal na drama na Christine.[1] Ginawa niya ang kanyang unang direksyon sa pelikulang Passing noong 2021, na nakatanggap ng kritikal na pagbubunyi.

Nakagawa din si Hall ng ilang kapansin-pansing pagpapakita ng magaling na pagganap sa telebisyon sa Britanya. Nanalo siya ng British Academy Television Award para sa Best Supporting Actress para sa 2009 Channel 4 miniserye na Red Riding: 1974. Noong 2013, siya ay hinirang para sa British Academy Television Award bilang Best Actress[2] para sa kanyang pagganap sa BBC na Two 's Parade's End.

Buhay at Edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Hall ay isinilang noong 3 Mayo 1982 sa London,[3] Sya ay anak ng American opera singer na si Maria Ewing at Engles na direktor sa entablado at na nagtatag ng Royal Shakespeare Company na si Sir Peter Hall. Ang kanyang ina ay ipinanganak sa Detroit, sa isang African-American na may halong-lahi ng isang Dutch na ina; siya ay apo ng beteranong Rebolutionaryo ng giyera na si Bazabeel Norman, isang malayang lalaki na may lahing itim. [4] [5] [6] [7] Sa Finding Your Roots, natuklasan ni Hall na, habang ang kanyang lolo sa ina, na si Norman Isaac Ewing, ay gumanap bilang isang katutubong Amerikano at naitala bilang isang Sioux chief sa mga pahayagan, siya ay ipinanganak sa magkakahalong lahi ng mga magulang na Afrikano at Amerikano, at walang lahi ng Katutubong Amerikano. Ang kanyang sariling ama, ang lolo sa tuhod ni Hall na si John William Ewing, ay isinilang sa pagkaalipin ngunit naging isang isang kilalang tao sa komunidad ng mga itim sa Washington, DC. Si Hall ay mayroong 91% Europeong lahi at 9% ng sub-Saharan Afrikan na lahi ayon sa isang Ancestry.com DNA test.[8]

Ang mga magulang ni Hall ay naghiwalay noong siya ay bata pa, at kalaunan ay tuluyang naghiwalay sa pamamagitan ng debosyo noong 1990. [4] Si Hall ay may limang kapatid sa ama: ang direktor ng entablado na si Edward Hall, ang prodyuser na si Christopher Hall, ang mga aktres na sina Jennifer Caron Hall at Emma Hall, at ang taga-disenyo ng set na si Lucy Hall.[4][9]

Nag-aral si Hall sa Roedean School, kung saan siya naging head girl.[4] Nag-aral siya ng panitikang Ingles sa St Catharine's College, Cambridge, bago siya tumigil noong 2002, bago ang kanyang huling taon.[4][10][11] Noong nasa Cambridge pa ay aktibo siya sa teatro ng mga mag-aaral at nagtayo din ng sarili niyang kumpanya ng teatro.[12] Siya ay miyembro ng Marlowe Society at gumanap sa ilang mga produksyon kasama ang kasambahay na sina Dan Stevens, isang estudyante ng patinikng Engles sa Emmanuel College.[13][14]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. M. Smith, Nigel (24 Enero 2016). "Christine review: Rebecca Hall astonishes in real-life horror story". The Guardian. Nakuha noong 25 Setyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "BAFTA Awards Search | BAFTA Awards". awards.bafta.org. Nakuha noong 8 Setyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Births, Marriages & Deaths Index of England & Wales, 1916–2005. Gives name at birth as "Rebecca Maria Hall".
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Hattenstone, Simon (12 Hunyo 2010). "Who, me? Why everyone is talking about Rebecca Hall". The Guardian. London. Nakuha noong 27 Setyembre 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "cbl" na may iba't ibang nilalaman); $2
  5. Isenberg, Barbara (8 Nobyembre 1992). "MUSIC No-Risk Opera? Not Even Close Maria Ewing, one of the most celebrated sopranos in opera, leaps again into the role of Tosca, keeping alive her streak of acclaimed performances while remaining true to herself". Los Angeles Times. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. McLellan, Joseph (15 Nobyembre 1990). "Article: Extra-Sensuous Perception;Soprano Maria Ewing, a Steamy 'Salome'". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2012. Nakuha noong 6 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Marsh, Robert C. (18 Disyembre 1988). "Growth of Maria Ewing continues with 'Salome' // Role of princess proves crowning achievement". Chicago Sun-Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Oktubre 2012. Nakuha noong 6 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Stated on Finding Your Roots, January 4, 2022
  9. "Rebecca Hall Relationships". TV Guide. Nakuha noong 10 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Former Cambridge student takes her first leading role" (PDF). The Cambridge Student. 3 Nobyembre 2011. p. 06.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. Farber, Jim (20 Pebrero 2005). "For Rebecca Hall, it's all in the family business". U-T San Diego. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2010. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "The Prestige production notes" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 30 Setyembre 2007. Nakuha noong 9 Nobyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Macbeth". Marlowe Society. 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Disyembre 2012. Nakuha noong 4 Hunyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. West, Naomi (29 Oktubre 2011). "Rebecca Hall takes the lead". The Daily Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)