Pumunta sa nilalaman

Bundok Halcon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanawin ng Bundok Halcon mula sa Baco, Oriental Mindoro

Ang Bundok Halcon ay isang bundok na matatagpuan sa isla ng Mindoro sa Pilipinas. Sa taas nitong 2,586 metro[1] (8,482 talampakan), ito ang ika-18 pinakamataas na bundok sa Pilipinas.[2] Dahil sa mga dalisdis nito, ito'y itinuturing na pinakamahirap na akyating bundok sa bansa.[1]

Naninirahan sa Bundok Halcon ang mga katutubong Alangan Mangyan.[3] Matatapuan sa masukal nitong kagubatan ang iba't-ibang uri ng halaman at hayop, kasama na rito ang lubhang nanganganib nang maubos na kulo-kulo na roon lamang matatagpuan.[4]

  1. 1.0 1.1 Destination: Mount Halcon. Metropolitan Mountaineering Society, Inc. [1] Naka-arkibo 2011-07-09 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
  2. The highest mountains in the Philippines. Pinoy Mountaineer – Your Guide to Hiking in the country. 2008-02-02. [2]. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
  3. Alangan Mangyan. National Commission on Indigenous Peoples. [3] Naka-arkibo 2011-02-13 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
  4. Mount Halcon. Birdlife International. [4] Naka-arkibo 2011-12-01 sa Wayback Machine.. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)