Pumunta sa nilalaman

Nampo

Mga koordinado: 38°44′N 125°24′E / 38.733°N 125.400°E / 38.733; 125.400
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Namp'o

남포시
남포특별시
Transkripsyong Koreano
 • Chosŏn'gŭl
 • Hancha
 • McCune-ReischauerNamp'o-t'ŭkpyŏlsi
 • Revised RomanizationNampo-teukbyeolsi
Panoramang urbano ng Nampo
Panoramang urbano ng Nampo
Bansa Hilagang Korea
LalawiganTimog P'yŏngan
Lawak
 • Kabuuan829 km2 (320 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2008)[1]
 • Kabuuan366,815
 • Wikain
P'yŏngan

Ang Namp'o (opisyal na baybay sa Hilagang Korea: Nampho; pronounced [nam.pʰo]) ay isang lungsod at pantalang pandagat sa lalawigan ng Timog P'yŏngan, Hilagang Korea. Nakatayo ang Namp'o sa hilagang baybayin ng Ilog Taedong, 15 kilometro silangan ng bukana nito. Dati isa itong antas-lalawigan na "Direktang-Pinamumunuang Lungsod" ("Directly-Governed City" o "Chikhalsi") mula 1980 hanggang 2004, at itinakda na isang "Natatanging Lungsod" ("T'ŭkgŭpsi"; tŭkpyŏlsi; 특별시; 特別市) noong 2010 at ginawang bahagi ng lalawigan ng Timog P'yŏngan. Matatagpuan ang Namp'o mga 50 kilometro timog-kanluran ng P'yŏngyang, sa may bukana ng Ilog Taedong.

Dati isang maliit na nayong nangingisda ang Namp'o na naging isang pantalan para sa panlabas na kalakalan noong 1897, at umunlad na naging isang makabagong pantalan noong 1945 pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kalakip ng mabilis na pagdami sa pamumuhunan ng estado, lumaki ang kakayanan ng industriya ng lungsod. Ilan sa mga pasilidad pang-industriya ng lungsod ay ang Namp'o Smelter Complex, ang Namp'o Glass Corporation, ang Namp'o Shipbuilding Complex, ang Namp'o Fishery Complex, at ibang mga sentral at lokal na pagawaan. Isang sentro ng paggawa ng barko sa bansa ang Namp'o. Sa hilaga ng lungsod ay mga pasilidad para sa transportasyong pangkargamento, mga produkto na nabubuhay sa tubig, at palaisdaan, at isang pagawaan ng dagat-asin (sea salt). Ang mga mansanas na itinatanim sa distrito ng Ryonggang (룡강군) ay isang tanyag na lokal na produkto.[2][3]

Namp'o na tanaw mula sa kalawakan.

Mga kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2008 Census of Population of the Democratic People's Republic of Korea conducted on 1–15 October 2008" (PDF). United Nations Statistics Division. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 31 Marso 2010. Nakuha noong 16 Septiyembre 2017. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong) Naka-arkibo 31 March 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  2. 남포직할시. 한국민족대백과사전 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 11 Nobyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kim, Nam-yong (金南龍). 남포직할시. Korean Britannica (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2007. Nakuha noong 11 Nobyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 28 September 2007[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014. ISBN 978-89-6297-167-5

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Nampo mula sa Wikivoyage

38°44′N 125°24′E / 38.733°N 125.400°E / 38.733; 125.400