Pumunta sa nilalaman

Sofía Ímber

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sofía Ímber
Kapanganakan8 Mayo 1924(1924-05-08)
NasyonalidadBenesolano
TrabahoMamamahayag
AnakSara, Adriana, Daniela at Pedro Guillermo

Si Sofía Ímber Barú (8 Mayo 1924 – ) ay isang Venezolana‎ng mamamahayag at tagapalaganap ng Venezolanong sining. Siya rin ang tagapagtatag ng Museyo ng Kapanahong Sining ng Caracas.

Anak nina Naum Ímber at Ana Barú, dumating si Sofía Ímber sa Venezuela noong 1930, habang naghahanap ang kanyang pamilya ng pagkakataong makabuti ang kalagyang pangkabuhayan nila. Gayon man, binibyan siya ng kanyang mga magulang ng isang magandang edukasyon kagaya ng kanyang ateng si Lya, ang taong makaaangkin ng karangalan ng pagiging unang babae sa Venezuela na nagtapos bilang manggagamot.

Isa siyang namumukod na mag-aaral sa kanyang paaralan at batsilyerato, at napakita niya sa murang gulang ang kanyang galing sa sining at pamamahayag. Sa dekada ng 1940, nag-aral nang tatlong taon ng panggagamot siya sa Pamantasan ng Los Andes sa Venezuela bago bumalik sa Caracas. Gumawa siya ng iba't ibang mga limbag na pambansa at pandaigdig, at nakipagtulungan pa siya sa iba't ibang mga lathala sa mga pahayagan at rebista ng Venezuela, Mehiko, Kolombya, at Argentina sa loob ng limampung taon.

Naging asawa ni Sofía ang manunulat na si Guillermo Meneses noong 1944. Mayroon silang apat na anak: sina Sara, Adriana, Daniela at Pedro Guillermo (namatay noong 2014).