The Script
The Script | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Dublin, Irlanda |
Genre | Pop rock |
Taong aktibo | 2001–kasalukuyan |
Label | Phonogenic, Epic, RCA, Columbia |
Miyembro | Danny O'Donoghue Mark Sheehan Glen Power |
Website | thescriptmusic.com |
Ang The Script ay isang pop-rock na bandang Irlandes mula sa Dublin na nabuo noong 2001. Binubuo ang banda ng pangunahing bokalista/piyanistang si Danny O'Donoghue, bokalista/gitaristang si Mark Sheehan, at tambolistang si Glen Power. Nakabase sa Londres matapos pumirma sa sangay ng Sony Label Group na Phonogenic, inilabas ng banda ang kanilang paunang album na sunod sa kanilang pangalan noong Agosto 2008, na nagtatampok sa mga patok na awiting "The Man Who Can't Be Moved" at "Breakeven (Falling to Pieces)". Narating nito ang numero uno sa Irlanda at sa Nagkakaisang Kaharian (UK). Ang kanilang ikalawang album, ang Science & Faith, ay inilabas noong Setyembre 2010, at naglalaman ng mga patok na awiting "For the First Time" and "Nothing". Narating ng nasabing album ang numero uno sa Irlanda at sa UK, at numero tres naman sa US Billboard 200. Ang kanilang ikatlong album, ang #3, ay nakarating sa numero uno sa Irlanda at sa UK, na naglalaman ng patok na awiting Hall of Fame sa pakikipagtulungan ng mang-aawit na Hip Hop/R&B na si will.i.am.
Naitampok na ang kanilang musika sa mga popular na programang pantelebisyon gaya ng 90210, Ghost Whisperer, The Hills, Waterloo Road, EastEnders, Made in Chelsea, at The Vampire Diaries. Ang punong mang-aawit na si Danny O'Donoghue ay naging coach din sa The Voice UK para sa una at ikalawang serye, bago umalis sa palabas upang higit na mapagtuunang-pansin ang banda. Noong 2009, pinili ng industriyang Victoria's Secret ang The Man Who Can't Be Moved bilang tema sa taunang parada nito na The Victoria's Secret Fashion Show 2009 para sa pambukas na bahagi nito at ang bahaging Enchanted Forest kasama si Heidi Klum.