Unibersidad ng Salamanca
Itsura
Ang Unibersidad ng Salamanca (Kastila: Universidad de Salamanca) ay isang pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon na matatagpuan sa lungsod ng Salamanca, kanluran ng Madrid, España. Itinatag ito noong 1134 at binigyan ng Royal Charter ni Haring Alfonso IX noong 1218. Ito ang pinakamatandang unibersidad sa mundong Hispaniko at ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa buong mundo na may tuloy-tuloy na operasyon. Ang pormal na titulong "Unibersidad" ay ipinagkaloob ni Haring Alfonso X noong 1254 at kinilala ni Papa Alejandro IV noong 1255.
40°57′41″N 5°40′00″W / 40.9614°N 5.6667°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.