Wikipedia:Makipag-ugnayan sa amin
Itsura
Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Nais mo bang makipag-ugnayan sa amin? Maaari mo itong gawin!
Mga mahalagang paalala
Pakitandaan po ang mga sumusunod bago makipag-ugnayan sa Wikipediang Tagalog:
- Walang punong patnugutan ang Wikipediang Tagalog. Ang nilalaman ng Wikipedia ay hindi pinapatnugutan ng Pundasyong Wikimedia o ng mga tauhan nito. May mga Tagapangasiwa ang websayt na ito subalit hindi rin sila ang mga punong patnugutan. Binigyan lamang sila ng teknikal na kakayahan (tulad ng pagharang) ng pamayanan, at ang pagpapasya sa kung ano ilalagay sa nilalaman ay nakasalalay pa rin sa Limang Haligi ng Wikipedia at sa konsenso ng pamayanang Wikipediang Tagalog.
- Pinapanatili ang Wikipediang Tagalog ng mga boluntaryo mula sa iba't ibang dako sa mundo.
- Malaya ang walang patalastas ang Wikipedia. Pinatatakbo ito ng isang pundasyong pribado na pribadong pinupuhunan at 'di-kumikinabang.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang Patungkol.
Paraan ng pakikipag-ugnayan
Wikipediang Tagalog
Maaaring makipag-ugnayan sa Wikipediang Tagalog gamit ang mga sumusunod na paraan:
- Paraang pinapamahalaan ng pamayanan ng Wikipediang Tagalog
- Mag-iwan ng mensahe sa Kapihan, ang pangkalahatang pook-tambayan ng Wikipediang Tagalog. Para sa mga tanong tungkol sa nilalaman ng Wikipedia, maaari ring tumungo sa Konsultasyon, bagaman, hindi ito masyadong aktibo. Para sa mga karaniwang itinatanong, tingnan ang aming FAQ.
- Puwede kang sumali sa 'di-opisyal na grupo ng Wikipediang Tagalog sa Facebook at makipag-ugnayan sa mga indibiduwal na kasapi ng pamayanan. Maaari ring gustuhin ang di opisyal na pahina ng Wikipediang Tagalog sa Facebook at mag-iwan ng mensahe sa Pader (Wall). Tandaan: Mas mainam na sa Kapihan ka na lamang makipag-ugnayan para diretso kang makipag-usap sa pamayanang Wikipedia, yayamang, may ilang Wikipedista na walang akawnt sa Facebook. Pindutin ito upang makapagsimula ng bagong usapan sa Kapihan.
- Para sa mga hindi marunong mag-Tagalog / For non-Tagalog speakers
- For non-Tagalog speakers, you may visit the Embassy, or go to our help desk for non-Tagalog speakers. Although, that page is not active. It is recommended to post a message at the Kapihan, the general discussion page of the community.
Pundasyong Wikimedia
Para sa mga nais makipag-ugnayan sa Pundasyong Wikimedia (Wikimedia Foundation), maaaring tumungo sa kanilang pahina ng pakikipag-ugnayan. Para sa mga mamamahayag at iba pang kasapi ng midya, maaari ring tumungo sa kanilang silid-balitaan.