Pa5-Mental Health
Pa5-Mental Health
Core Competencies:
Ang BHW bilang Tagapagsulong
ng Primary Care
Main Message
● Optimal mental wellbeing can be achieved
through the actions of everyone: people
taking care of themselves, people supporting
others, and the leaders making mental health
possible in the community
● Care for Yourself, Care for Others para sa
Healthy Pilipinas!
Key Messages
● Self-care helps keep your mind working at its best. It’s
important to take time for yourself so that you can be
better for yourself and others.
● Let’s be there for each other! Supporting each other brings
our experiences together and allows us to be heard,
accepted and understood.
● It takes a community to raise mentally resilient individuals.
Instilling systems that are supportive of mental health
health enables the community to be healthier.
Mental Health
● Ang priority area na ito ay sumasaklaw sa
pagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan o
mental health sa komunidad, at paggabay sa
mga nasasakupan na nangangailangan ng
access sa mental health services.
Mental Health
● Ang health o kalusugan ay hindi lamang ang kawalan ng sakit kundi isang
estado ng kumpletong pisikal, mental, at panlipunang kagalingan.
● Ayon sa Republic Act 11036 o Mental Health Act, ang mga serbisyong
mental health ay dapat kabilang sa mga basic health services na naibibigay
sa mga Pilipino hanggang sa lebel ng barangay.
Mental Health
● Ang mga mental health problem ay hindi isang kondisyon lamang ng mga
may pribilehiyo at mayayaman.
● Ang sinumang miyembro ng komunidad, anuman ang kasarian, edad, o
katayuan sa lipunan, ay maaaring makaranas ng mga problema sa kalusugan
ng isip.
● Mahalaga rin na bigyang-diin na ang mga taong may mga problema sa
kalusugan ng isip ay nahihirapang kontrolin ang kanilang sarili, at maaaring
nangangailangan ng interbensyon ng komunidad.
Mental Health
● Kasama sa mga kondisyon sa kalusugan ng isip ang depresyon at
pagkabalisa, at ang ilan ay maaaring humantong sa
pagpapakamatay o suicide.
Mental Health
● Ang suportang panlipunan ay isang mahalagang proteksyon laban sa
depresyon at pagkabalisa sa maraming edad, kultura, at mga risk factor.
● Para sa mga may mental health conditions, higit na mahalaga sa kanila ang
malaman na mayroon silang maaaring tawagan o lapitan sa oras ng
pangangailangan upang maitaguyod ang kalusugan ng isip at kagalingan
kaysa sa aktwal na pagtanggap ng materyal na bagay o suporta.
Mental Health
● Ang mental health ay isang estado ng health o kagalingan kung
saan ang bawat indibidwal ay:
○ alam ang kanyang sariling potensyal
○ kayang harapin ang mga normal na stress sa buhay
○ kayang magtrabaho ng produktibo, at
○ nakapagbibigay ng kontribusyon sa komunidad.
Mental Health
● Ang mga mental health disorders o sakit sa pag-iisip ay mga
kondisyon kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa iniisip, mood, o
ugali gaya ng pagkabalisa o kawalan ng kakayahang mamuhay ng
normal.
○ Kabilang din dito ang mga kondisyong neurologic tulad ng epilepsy.
Mental Health
● Ang mga mental health condition, sa kabilang banda, ay
nakakaapekto sa pag-iisip, pakiramdam, o pakikipag-ugnayan sa
lipunan ng tao ngunit hindi pa nakakaapekto sa pang-araw-araw ng
pamumuhay na katulad sa mental health disorder.
○ Ang mga ito ay hindi gaanong malala at may mas maikling
tagal, ngunit maaaring humantong sa mga sakit sa pag-iisip.
Mental Health
● May iba't ibang sanhi ng problema at karamdaman sa mental health
○ biological - namamana, o mga pagbabago sa mga kemikal sa utak
○ sikolohikal - malubha o psychological trauma (emosyonal, pisikal, o
sekswal na trauma), maagang pagkawala ng mahal sa buhay
○ panlipunan o pangkapaligiran - pagkamatay o paghihiwalay ng mga
magulang, hindi maayos na pamilya, mababang pagpapahalaga sa
sarili, pagbabago ng trabaho o paaralan, pag-abuso sa droga
Mental Health
● Ang mga taong may mental health condition ay nahaharap sa stigma at
diskriminasyon na nagpapalala sa kanilang kalagayan.
○ Ang stigma ay ang mga negatibo at mapanghusgang paraan kung saan ang
mga taong may mental health conditions ay nilalagyan ng label ng lipunan.
Stigma din ang tawag sa mga maling paniniwala tungkol sa mga taong may
sakit sa isip.
○ Negative labelling, name calling, at marginalization ay mga anyo ng stigma
○ Nagdudulot ng pangmatagalang epekto sa mga taong may sakit at
karamdaman sa pag-iisip, tulad ng pagkakaroon ng pakiramdam ng
kahihiyan, kawalan ng pag-asa, pagkabalisa, pag-aatubili na humingi o
tumanggap ng tulong, at takot.
Mental Health
● Ang diskriminasyon ay ang paraan ng pagtrato sa mga taong may
sakit sa isip, sinasadya o hindi sinasadya, dahil sa stigma
○ Kabilang dito ang kawalang-galang, pagbubukod, pambu-bully,
pang-aaway, pangungutya at pagpapahiya..
● In Their Shoes: The trainer may ask participants what are the
prevalent misconceptions and stigmatizing behavior for mental
health and how persons with lived experience might feel with the
stigma they experience
● The trainer may introduce again the concept of MHPSS and
demonstrate Psychological First Aid
● The trainer may ask other participants to share self-care practices
● Suggested review questions
Mental Health
● Ang kalusugan ng isip o mental health ay kasing halaga ng pisikal na
kalusugan. There is no health if there is no mental health.
● May mga maling paniniwala tungkol sa mental health na kailangang
itama ng mga BHW:
○ “Pinasok ng hangin.”
○ “Nalipasan ng gutom.”
○ “Nabarang”, “nakulam”
○ “Nabati”, “nausog”
○ “Mayaman lang ang nagkakasakit sa mental health.”
○ “Mahina ang pagkatao.”
● The trainer may ask the BHWs on the most common mental health
conditions that they encounter in the community
● Trainer can ask BHWs to identify local groups which advocate for
mental health
● BHWs may be engaged on community mental health activities and in
emergencies
● If their household catchment areas have confirmed or suspected
mental health conditions, they may refer it to the health center