Emilia-Romaña
Emilia-Romagna | |||
---|---|---|---|
| |||
Mga koordinado: 44°45′N 11°00′E / 44.75°N 11°E | |||
Bansa | Italya | ||
Lokasyon | Italya | ||
Kabisera | Bologna | ||
Bahagi | |||
Pamahalaan | |||
• president of Emilia-Romagna | Stefano Bonaccini | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 22,123.09 km2 (8,541.77 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2019)[1] | |||
• Kabuuan | 4,459,477 | ||
• Kapal | 200/km2 (520/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | IT-45 | ||
Websayt | http://www.regione.emilia-romagna.it |
Ang Emilia-Romaña (pagbigkas [eˈmiːlja roˈmaɲɲa], Romagnol: Emélia-Rumâgna) ay rehiyong administratibo sa rehiyon ng Hilagang Italya, na binubuo ng rehiyong pang-kasaysayan ng Emilia at Romagna. Ang kabesera nito ay Bolonia.
Ang Emilia-Romaña ay isa sa pinakamayaman at pinakamaunlad na rehiyon sa Europa, na may ikatlong pinakamataas na kabuuang domestikong produkto per capita sa Italya.[2] Ang Bolonia, ang kabesera nito, ay may isa sa pinakamataas na mga indeks ngkaledad ng buhay ng Italya[3] at mga abaneteng serbisyong panlipunan. Ang Emilia-Romaña ay isa ring sentrong pangkultura, pang-ekonomiya, at panturista, na tahanan ng Unibersidad ng Bolonia, ang pinakamatandang unibersidad sa mundo;[4] naglalaman ng mga lungsod Romaniko at Renasimyento (tulad ng Modena, Parma, at Ferrara) at ang dating Imperyong Romanong kabesera na Ravena; sumasaklaw sa labing-isang pamanang pook ng UNESCO;[5] pagiging sentro para sa produksiyon ng pagkain at sasakyan (tahanan ng mga kompanya ng sasakyan tulad ng Ferrari, Lamborghini, Maserati, Pagani, De Tomaso, Dallara, at Ducati); at pagkakaroon ng mga sikat na resort sa baybayin tulad ng Cervia, Cesenatico, Rimini, at Riccione. Noong 2018, pinangalanan ng gabay ng Lonely Planet ang Emilia-Romaña bilang pinakamagandang lugar na makikita sa Europa.[6]
Mga pagkakahating pampangasiwaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Emilia-Romaña ay binubuo ng siyam na lalawigan. Bukod sa pagkakabuo ng Kalakhang Lungsod ng Bolonia, ang mga plano upang ang siyam na lalawigan ay gawing apat ay hindi itinuloy.
Lalawigan | Sakop (km2) | Populasyon | Densidad (naninirahan/km2) | Rehiyon |
---|---|---|---|---|
Kalakhang Lungsod ng Bolonia | 3,702 | 1,011,291 | 262.9 | Emilia - Romaña |
Lalawigan ng Ferrara | 2,632 | 357,471 | 135.8 | Emilia |
Lalawigan ng Forlì-Cesena | 2,377 | 387,200 | 162.9 | Romaña |
Lalawigan ng Modena | 2,689 | 686,104 | 255.1 | Emilia |
Lalawigan ng Parma | 3,449 | 431,419 | 125.1 | Emilia |
Lalawigan ng Plasencia | 2,589 | 284,885 | 110.0 | Emilia |
Lalawigan ng Ravena | 1,858 | 383,945 | 206.6 | Romaña |
Lalawigan ng Reggio Emilia | 2,293 | 517,374 | 225.6 | Emilia |
Lalawigan ng Rimini | 863 | 325,219 | 377.0 | Romaña |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Istat, Wikidata Q214195
- ↑ Regional GDP per inhabitant in the EU27: GDP per inhabitant in 2005 ranged from 24% of the EU27 average in Nord-Est Romania to 303% in Inner London.
- ↑ "Qualita' della vita: il dossier". Il Sole 24 ORE. Nakuha noong 28 November 2013.
- ↑ "Università di Bologna (oldest university in the world)". Virtual Globetrotting. 21 October 2006. Nakuha noong 28 November 2013.
- ↑ "UNESCO SITES in Emilia Romagna". UNESCO SITES in Emilia Romagna. 16 February 2017. Nakuha noong 13 April 2018.
- ↑ Planet, Lonely. "10 best places to visit in Europe in 2019". Lonely Planet.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.