Pumunta sa nilalaman

Gabriela Silang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gabriela Silang
Gabriela Silang
Kapanganakan19 Marso 1731
Kamatayan20 Setyembre 1763(1763-09-20) (edad 32)
TrabahoMay-bahay
Kilala saUnang babae na namuno ng himagsikan sa pamahalaang kolonya ng Espanya

Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 – 20 Setyembre 1763) ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimags noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.

Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.

Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaeng Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.

Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.

Isang kapansin-pansing aspeto ng buhay ni Gabriela Silang ang pinalaki siya ng isang kura paroko, na sa kalaunan ay nag-ayos ng kanyang kasal sa isang mayamang negosyante na nagngangalang Don Tomas Millan.[1] Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Freelancer, Worksheet (2021-02-18). "Gabriela Silang Facts, Worksheets, Early Life & Diego Silang For Kids". KidsKonnect (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)