Kolonyalismo
Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Kinokontrol ng mananakop na bansa ang mga tao o lugar, kadalasang itinatatag ang mga kolonya,[1] na kadalasan para sa pagbubuting estratehiya at ekonomiko.[2] Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba. Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya.[3] Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa isang bayan. Walang malinaw na kahulugan ng kolonyalismo; maaring iba't iba ang depinisyon depende sa gamit at konteksto.[4][5]
Unang ginamit ang kolonyalismo bilang katawagang Romano upang isalarawan ang isang bukid, at sa kalaunan isang abansada (o outpost) o ang pinakamalaking uri ng lungsod Romano. Nabuo ang salita sa pagdaragdag ng -ismo na hulapi, at naikakabit sa iba't ibang mga pilosopiya at mga pang-estrukturang pagkaunawa ng kolonya.[6]
Bagaman mayroon nang kolonyalismo noon pang sinaunang panahon, malakas na naiuugnay ang konsepto sa panahong kolonyal sa Europa simula noong ika-15 dantaon nang nagtatag ang ilang mga estadong Europeo ng mga imperyong nagkokolonya. Noong una, sinunod ng mga nagkokolonyang Europeo ang mga polisiyang merkantalismo, na naglalayaong patatagin ang ekonomiya ng tahanang-bansa, kaya nirestrikto kadalasan ang mga kasunduan sa kolonya sa kalakalan lamang sa metropoli (o inang bansa). Sa kalagitnaan ng ika-19 na dantaon, tinalikdan ng Imperyong Britaniko ang merkantalismo at mga paghihigpit sa kalakalan at pinagtibay ang malayang kalakalan, na may iilang paghihigpit o mga taripa.
Naging aktibo ang mga misyonerong Kristiyano sa halos lahat ng mga kolonyang kontrolado ng mga taga-Europa dahil Kristiyano ang mga metropoli. Kinalkula ng mananalaysay na si Philip Hoffman na sa 1800, bago ang Rebolusyong Industriyal, kontrolado na ng mga Europeo ang hindi bababa sa 35% ng globo, at noong 1914, nakamit nila ang pagkontrol sa 84% ng globo.[7] Sa resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umurong ang mga kapangyarihang kolonyal sa pagitan ng 1945 at 1975; na noong panahon din na iyon, nakamit ang kalayaan ng halos lahat ng mga kolonya, na pinapasok ang binagong kolonyal, ang tinatawag na mga ugnayang poskolonyal at neokolonyalista.
Ang poskoloniyalismo a neokolonyalismo ay pinagpatuloy o nilipat ang mga relasyon at ideyolohiya ng kolonyalismo, na binibigay katuwiran ang pagpapatuloy ng konsepto nito tulad ng kaunlaran at bagong hangganan, gaya ng paggalugad ng kalawakan para sa kolonisasyon.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Tignor, Roger (2005). Preface to Colonialism: a theoretical overview (sa wikang Ingles). Markus Weiner Publishers. p. x. ISBN 978-1-55876-340-1. Nakuha noong 5 Abril 2010.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rodney, Walter (2018). How Europe underdeveloped Africa (sa wikang Ingles). ISBN 978-1-78873-119-5. OCLC 1048081465.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mallari, Jan Phillip, atbp. Kasaysayan at Lipunan™. Diwa Scholastic Press, Inc.
- ↑ Margaret Kohn (29 Agosto 2017). "Colonialism". Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Stanford University. Nakuha noong 5 Mayo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Colonialism". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). HarperCollins. 2011. Nakuha noong 8 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.journals.uchicago.edu/doi/abs/10.1086/201248
- ↑ Philip T. Hoffman (2015). Why Did Europe Conquer the World? (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. 2–3. ISBN 978-1-4008-6584-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)