Papa Pio V
Papa San Pio V | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 7 Enero 1566 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 1 Mayo 1572 |
Hinalinhan | Pio IV |
Kahalili | Gregorio XIII |
Mga orden | |
Ordinasyon | 1528 |
Konsekrasyon | 14 Setyembre 1556 ni Giovanni Michele Saraceni |
Naging Kardinal | 15 Marso 1557 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Antonio Ghislieri |
Kapanganakan | 17 Enero 1504 Bosco, Kadukehan ng Savoy |
Yumao | 1 Mayo 1572 Roma, Mga Estado ng Papa | (edad 68)
Kasantuhan | |
Kapistahan | 30 Abril (Pangkalahatang Kalendaryong Romano) Mayo 5 (1962 calendar) |
Beatipikasyon | 1 Mayo 1672 ni Papa Clemente X |
Kanonisasyon | 22 Mayo 1712 ni Papa Clemente XI |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio |
Si Papa Pio V (17 Enero 1504 – 1 Mayo 1572) na ipinanganak na Antonio Ghislieri (mula 1518 ay tinawag na Michele Ghislieri, O.P.) ang Papa ng Simbahang Katolika mula 1566 hanggang 1572 at isang santo ng Simbahang Katolika.[1] Siya ay pangunahing kilala para sa kanyang papel sa Konsilyo ng Trento, Kontra-Repormasyon at estandardisasyon ng Ritung Romano sa loob ng Simbahang Latin. Kanyang idineklara si Tomas Aquino na isang doktor ng simbahan at nagpatronisa ng prominenteng kompositor ng musikang si Giovanni Pierluigi da Palestrina. Bilang isang kardinal, nakamit ni Ghislieri ang isang reputasyon sa paglalagay ng ortodoksiya bago ang mga personalidad, paglilitis sa walang mga obispong Pranses para sa heresiya. Siya ay sumalungat sa nepotismo na sumuway sa kanyang predesesor na si Papa Pío IV sa mukha nito nang ninais nitong gawin ang isang 13 taong gulang na kasapi ng kanyang pamilya na isang kardinal at pondohan ang kanyang isang pamangking lalake mula sa kayamanan ng kapapahan. Sa mga bagay ng estado, tiniwalag ni Pío V si Elizabeth I ng Inglatera para sa sisma at mga pag-uusig ng mga katolikong Ingles sa kanyang paghahari. Kanya ring isinaayos ang pagkakabuo ng Banal na Liga na isang alyan ng mga estadong Katoliko. Bagaman napanaigan sa bilang, sikat na natalo ng Banal na Liga ang Imperyong Ottoman na nagbantang sakupin ang Europa sa Labanan ng Lepanto.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.