Pangkalahatang Kalendaryong Romano
Ang Pangkalahatang Kalendaryo ng Roma ay ang kasalukuyang kalendaryo ng mga banal na pagdiriwang ng mga Santo at mga yugto sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo sa Rito Romano ng Simbahang Katolika. Ang mga naturang pista ay may takdang araw, o di kaya'y naililipat na araw (hal. Pista ng Pagbibinyag sa Panginoong Hesukristo, Pista ng Kristong Hari); maaari ring may kaugnayan ito sa takdang kapistahan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Tulad sa mga kalendaryo ng nakatatandang uso ng Rito Romano, may mga pambansa o pang-diyosesis na kalendaryo kung saan matatagpuan ang karagdagang mga pagdiriwang ng mga Banal o mga yugto sa buhay ni Hesus na maaaring wala sa Pangkalahatang Kalendaryo.
Nahahati sa tatlong antas ang mga pista: Paggunita (o di kaya'y Malalaktawang Paggunita), Kapistahan, o Dakilang Kapistahan. Isa sa mga pagkakaiba rito ay inaawit ang Gloria tuwing Kapistahan subalit hindi naman sa isang Paggunita; naidaragdag ang Sumasampalataya Ako sa mga Dakilang Kapistahan.
Ang huling rebisyon sa Pangkalahatang Kalendaryo ng Roma ay noong taong 1969 sa bisa ng Sulat ng Papa "Buhat sa Kaniyang Pagkukusa" (motu proprio) na pinamagatang Ang Ginawang Pagtubos ni Kristo (Mysterii Paschalis) ni Papa Pablo VI. Ang naturang kalatas at kausutusan ay kasama sa aklat na Calendarium Romanum na inilimbag noong taong din iyon ng Santa Sede. Nilalaman din nito ang mga Pangkalahatang Patakaran Ukol sa Taon ng Liturhiya at Taon ng Kalendaryo, at ang mga pagdiriwang sa bagong kalendaryo. Kabilang na ang mga ito sa bagong Aklat ng Pagmimisa sa Roma. Ang naturang aklat ay may kaukulang komentaryo sa mga naging rebisyon ng naturang kalendaryo.
Sa paglipas ng panahon, naidagdag sa naturang kalendaryo ang mga bagong-hayag na mga Banal.
Ang nilalaman ng Pangkalahatang Kalendaryo ng Roma at ang mga ngalan nito sa wikang Tagalog ay isinama rito, yayamang ito ang kinasihan na salin ng Kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas at ng Santa Sede noong 1981.
Ang Taon ng Liturhiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinasama ng naturang dokumento bilang mga "araw sa liturhiya" ang mga sumusunod:[1]
- Mga Araw ng Linggo, at ang apat na dakilang kapistahan o kapistahan na maaaring humalili rito kung ito'y matapat sa Linggo: Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Pagbibinyag sa Panginoong Hesus, Ang Banal na Santatlo, at ang Kapistahan ng Panginoong Hesus, Hari ng Sanlibutan.
- Mga Dakilang Kapistahan, Kapistahan, at Paggunita.
- Mga Araw sa loob ng linggo (feria).
Sa ilalim ng pangkat na "Ang Pag-inog ng Taon", isinasaayos din sa ilalim ng pitong hanay ang pagdiriwang ng Simbahan sa buong misteryo ni Kristo, "sa kanyang pagkakatawang-tao hanggang sa araw ng Pentekostes at hanggang sa pananabik sa pagbabalik ng Panginoon."
- Ang Banal na Triduo, o Ang Tatlong Araw na Pagdiriwang ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay ni Kristo, ay nagsisimula sa Misang Pangtakipsilim sa Hapunan ng Panginoon at ang pinaka gitna nito ay ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay at ang pagwawakas naman ay sa Pagdiriwang ng Panalangin Pangtakipsilim ng Linggo ng Pagkabuhay.
- Ang Pascua o Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, ang limampung araw mula sa Linggo ng Pagkabuhay hanggang sa Linggo ng Pentekostes ay masayang ipinagdiriwang bilang isang araw na pagpipista. Ang unang walong araw ng panahong ito ay tuluy-tuloy na pagdiriwang ng pinakadakilang kapistahan ng Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoon. Ang ikaapatnapung araw pagkatapos ng Pagkabuhay ay Pag-akyat ng Panginoon, maliban sa mga pook na ito ay hindi pistang pangilin kaya’t tumatapat sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay. Ang mga karaniwang araw mula sa Pag-akyat hanggang sa Sabado bago mag Pentekostes ay paghahanda para sa pagdating ng Espiritu Santong Patnubay.
- Ang Kwaresma o Ang Apatnapung Araw ng Paghahanda, mula sa Miyerkules ng Abo hanggang sa Misang Pangtakipsilim sa Hapunan ng Panginoon subali’t hindi na kabilang ito sa Apatnapung Araw.
- Ang Pasko ng Pagsilang, mula sa Unang Panalangin Pangtakipsilim sa Pagsilang ng Panginoon hanggang sa Linggo pagkatapo ng Pagpapakita, alalaong baga’y kasunod ng ika- 6 ng Enero na kasama rin sa panahong ito at ang Pista ng Pagbibinyag sa Panginoon. Ang Pasko ng Pagsilang ay walong araw na ipagdiriwang ayon sa ganitong palatuntunan: a) kapistahan ng Banal na Mag-anak sa Linggo sa loob ng walong araw na ito o sa ika-30 ng Disyembre kapag ang Pasko ay natapat sa araw ng Linggo; b) kapistahan ni San Esteban, ang unang martir, sa ika-26 ng Disyembre; k) kapistahan ni San Juan, ang isinugong Alagad at Manunulat ng Mabuting Balita, sa ika-27 ng Disyembre; d) kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Wala Pang Kamalayan sa ika-28 ng Disyembre; e) mga araw sa loob ng walong araw na pagdiriwang ang ika-29, ika-30, at ika- 31 ng Disyembre; g) dakilang kapistahan ng pagka-ina ng Diyos ni Maria sa unang araw ng Enero na siyang ikawalong araw ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang at ginugunita rin dito ang pagbibigay ng Kabanal-banal, ang Ngalang Hesus.
- Ang Adbiyento o Ang Panahon ng Pagbabalik ng Panginoon, ay nagsisimula sa Unang Panalangin Pangtakipsilim ng Linggong napapatapat sa ika-30 ng Nobyembre o pinakamalapit dito at nagwawakas naman bago mag-Unang Panalangin Pangtakipsilim ng Pasko ng Pagsilang.
- Ang Karaniwang Panahon o Ang Mga Linggo ng Taon, ay nagsisimula sa Lunes na kasunod ng Linggong kasunod naman ng ika-6 ng Enero at ito ay umaabot hanggang sa Martes bago mag- Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pagkabuhay at ang Martes na ito ay kasama sa bilang. Muling nagsisimula ang karaniwang panahon sa Lunes kasunod ng Linggo ng Pentekostes at nagwawakas bago mag-Unang Panalangin Pangtakipsilim ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon.
- Ang mga Araw ng Pagluhog at Apat na Panahon ng Taon ay mapagpapasyahan ng mga Panayam ng mga Obispo.
Ang Paglilipat ng mga Pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang kapistahan na nasa Pangkalahatang Kalendaryo ang maililipat sa ibang araw:
Para sa ikapakikinabang ng mga nagsisimba, kapag mga araw ng Linggo sa karaniwang panahon ng taon, maaaring ganapin ang mga pagdiriwang na mahalaga para sa pamimintuho ng mga tao na napapatapat sa mga karaniwang araw ng Linggo, kung ang mga ito ay higit na nauuna sa antas ng Linggo ayon sa hanay ng mga araw ng liturhiya. Ang mga pagdiriwang na ito ay maihahalili sa nakatakda para sa Linggo kapag may mga nagsisimba sa pagmimisa.[2]
May ilang Dakilang Kapistahan na tumatapat sa Linggo o kaya'y sa Mahal na Araw, o sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay. Kung ganito ang mangyayari, maililipat ito sa araw na libre at batay din sa mga alituntunin ukol sa paglilipat ng araw ng pista.
Ang Pangkalahatang Kalendaryo ng Roma
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Enero: Santa Maria, Mahal na Ina ng Diyos – Dakilang Kapistahan
- 2 Enero: San Basiliong Dakila at Gregorio ng Nazianzen, mga obispo at pantas ng Simbahan – Paggunita
- 3 Enero: Ang Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus – Malalaktawang Paggunita
- 6 Enero: Pagpapakita ng Panginoong Hesukristo – Dakilang Kapistahan
- 7 Enero: San Raymundo ng Penyafort, pari – Malalaktawang Paggunita
- 13 Enero: San Hilario ng Poitiers, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 17 Enero: San Antonio Abad – Paggunita
- 20 Enero: San Fabian, papa at martir; o di kaya’y San Sebastian, martir – Malalaktawang Paggunita
- 21 Enero: Santa Agnes, dalaga at martir – Paggunita
- 22 Enero: San Vincente, diakono at martir – Malalaktawang Paggunita
- 24 Enero: San Francis de Sales, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 25 Enero: Ang Pagbabalik-loob ni San Pablo Apostol – Kapistahan
- 26 Enero: San Timoteo at Tito, mga obispo – Paggunita
- 27 Enero: Santa Angela Merici, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 28 Enero: Santo Tomas de Aquino, pari at pantas ng simbahan – Paggunita
- 31 Enero: San Juan Bosco, pari – Paggunita
- Linggo makalipas ang Pagpapakita ng Panginoon (o di kaya’y, kung maipagdiriwang ito sa ika-7 o ika-8 ng Enero, ang kasunod nitong Lunes): Pagbibinyag sa Panginoong Hesus – Kapistahan
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2 Pebrero: Paghahandog sa Templo ng Panginoong Hesus – Kapistahan
- 3 Pebrero: San Blas, obispo at martir; o di kaya’y San Ansgar, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 5 Pebrero: Santa Agata, dalaga at martir – Paggunita
- 6 Pebrero: San Pablo Miki at mga kasamahan, mga martir – Paggunita
- 8 Pebrero: San Geronimo Emiliani, pari; o di kaya’y Santa Josefina Bakhita, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 10 Pebrero: Santa Scholastica, dalaga – Paggunita
- 11 Pebrero: Ang Birheng Maria ng Lourdes – Malalaktawang Paggunita
- 14 Pebrero: San Cirilio, monghe, at Metodio, obispo – Paggunita
- 17 Pebrero: Ang Pitong Tagapagtatag ng Orden ng mga Lingkod ng Birheng Maria – Malalaktawang Paggunita
- 21 Pebrero: San Pedro Damian, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 22 Pebrero: Luklukan ni San Pedro Apostol – Kapistahan
- 23 Pebrero: San Policarpo, obispo at martir – Paggunita
- 27 Pebrero: San Gregorio ng Narek[3], abad at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 4 Marso: San Casimiro – Malalaktawang Paggunita
- 7 Marso: Santa Perpetua at Felicidad, mga martir – Paggunita
- 8 Marso: San Juan de Dios, relihiyoso – Malalaktawang Paggunita
- 9 Marso: Santa Francisca ng taga-Roma, relihiyoso – Malalaktawang Paggunita
- 17 Marso: San Patricio, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 18 Marso: San Cirilio ng Jerusalem, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 19 Marso: San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birheng Maria – Dakilang Kapistahan
- 23 Marso: San Toribio ng Mogrovejo, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 25 Marso: Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon – Dakilang Kapistahan
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2 Abril: San Francisco ng Paula, ermitanyo – Malalaktawang Paggunita
- 4 Abril: San Isidro, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 5 Abril: San Vincente Ferrer, pari – Malalaktawang Paggunita
- 7 Abril: San Juan Bautista de la Salle, pari – Paggunita
- 11 Abril: San Stanislaus, obispo at martir – Paggunita
- 13 Abril: San Martin I, papa at martir – Malalaktawang Paggunita
- 21 Abril: San Anselmo, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 23 Abril: San Jorge, martir; o di kaya’y San Adalberto, obispo at martir – Malalaktawang Paggunita
- 24 Abril: San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir – Malalaktawang Paggunita
- 25 Abril: San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita – Kapistahan
- 28 Abril: San Pedro Chanel, pari at martir; o di kaya’y San Luis Grignon de Montfort, pari – Malalaktawang Paggunita
- 29 Abril: Santa Catarina ng Siena, dalaga at pantas ng simbahan – Paggunita
- 30 Abril: San Pio V, papa – Malalaktawang Paggunita
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Mayo: San Jose Manggagawa – Malalaktawang Paggunita
- 2 Mayo: San Atanasio, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 3 Mayo: San Felipe at Santiago, mga apostol – Kapistahan
- 10 Mayo: San Juan ng Ávila[3], pari at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 12 Mayo: San Nereo at Achiles, mga martir; o di kaya’y San Pancras, martir – Malalaktawang Paggunita
- 13 Mayo: Ang Birheng Maria ng Fatima – Malalaktawang Paggunita
- 14 Mayo: San Matias, Apostol – Kapistahan
- 18 Mayo: San Juan I, papa at martir – Malalaktawang Paggunita
- 20 Mayo: San Bernardino ng Siena, pari – Malalaktawang Paggunita
- 21 Mayo: San Cristobal Magallanes at kasamahan, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 22 Mayo: Santa Rita ng Cascia – Malalaktawang Paggunita
- 25 Mayo: Lubhang Iginagalang na San Beda, pari at pantas ng simbahan; o di kaya’y San Gregorio VII, papa; o di kaya’y Santa Maria Magdalena ng Pazzi, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 26 Mayo: San Felipe Neri, pari – Paggunita
- 27 Mayo: San Agustin ng Kanterberi , obispo – Malalaktawang Paggunita
- 29 Mayo: San Pablo VI, papa – Malalaktawang Paggunita
- 31 Mayo: Pagdalaw ng Mahal na BIrheng Maria– Kapistahan
- Lunes makalipas ang Pentekostes: Ang Birheng Maria, Ina ng Sambayanan – Paggunita
- Unang Linggo makalipas ang Pentekostes: Ang Banal na Santatlo – Dakilang Kapistahan
- Huwebes makalipas ang Pista ng Banal na Santatlo, o di kaya’y, sa susunod na LInggo: Ang Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo – Dakilang Kapistahan
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Hunyo: San Justino Martir – Paggunita
- 2 Hunyo: San Marcellino at Pedro, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 3 Hunyo: San Carlos Lwanga at kasamahan, mga martir – Paggunita
- 5 Hunyo: San Bonifacio, obispo at martir – Paggunita
- 6 Hunyo: San Norberto, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 9 Hunyo: San Epfren, diakono at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 11 Hunyo: San Bernabe, Apostol – Paggunita
- 13 Hunyo: San Antonio de Padua, pari at pantas ng simbahan – Paggunita
- 19 Hunyo: San Romualdo, abad – Malalaktawang Paggunita
- 21 Hunyo: San Aloysio Gonzaga, relihiyoso – Paggunita
- 22 Hunyo: San Paulino ng Nola, obispo; o di kaya’y San Juan Fisher, obispo at martir, at Thomas More, martir – Malalaktawang Paggunita
- 24 Hunyo: Kapanganakan ni San Juan Bautista – Dakilang Kapistahan
- 27 Hunyo: San Cirilio ng Alejandria, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 28 Hunyo: San Ireneo, obispo at martir – Paggunita
- 29 Hunyo: San Pedro at Pablo, mga apostol – Dakilang Kapistahan
- 30 Hunyo: Mga Unang Martir ng Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma – Malalaktawang Paggunita
- Biyernes kasunod ng Ikalawang Linggo pagka-Pentekostes: Ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus – Dakilang Kapistahan
- Sabadong kasunod ng Ikalawang Linggo Pagka-Pentekostes: Kalinis-linisang Puso ni Maria – Paggunita
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 3 Hulyo: Santo Tomas, Apostol – Kapistahan
- 4 Hulyo: Santa Isabel ng Portugal – Malalaktawang Paggunita
- 5 Hulyo: San Anthonio Zaccaria, pari – Malalaktawang Paggunita
- 6 Hulyo: Santa Maria Goretti, dalaga at martir – Malalaktawang Paggunita
- 9 Hulyo: San Agustin Zhao Rong at kasamahan, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 11 Hulyo: San Benito, abad – Paggunita
- 13 Hulyo: San Enrico – Malalaktawang Paggunita
- 14 Hulyo: San Camillo de Lellis, pari – Malalaktawang Paggunita
- 15 Hulyo: San Buenaventura, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 16 Hulyo: Ang Birheng Maria ng Carmelo – Malalaktawang Paggunita
- 20 Hulyo: San Apollnario, obispo at martir – Malalaktawang Paggunita
- 21 Hulyo: San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 22 Hulyo: Santa Maria Magdalena – Kapistahan
- 23 Hulyo: Santa Brigida, relihiyoso – Malalaktawang Paggunita
- 24 Hulyo: San Sharbel Makhlūf, pari – Malalaktawang Paggunita
- 25 Hulyo: Santiago Apostol – Kapistahan
- 26 Hulyo: San Joaquin at Ana – Paggunita
- 29 Hulyo: Santa Marta, Maria at Lazaro[4] – Paggunita
- 30 Hulyo: San Pedro Crisologo, obispo at pantas ng Simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 31 Hulyo: San Ignacio ng Loyola, pari – Paggunita
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Agosto: San Alfonso Maria de Liguori, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 2 Agosto: San Eusebio ng Vercelli, obispo; o di kaya’y San Pedro Julian Eymard, pari – Malalaktawang Paggunita
- 4 Agosto: San Juan Vianney (Ang Kura ng Ars), pari – Paggunita
- 5 Agosto: Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ni Santa Mariang Birhen – Malalaktawang Paggunita
- 6 Agosto: Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus – Kapistahan
- 7 Agosto: San Sixto II, papa, at kasamahan, mga martir; o di kaya’y San Cayetano, pari – Malalaktawang Paggunita
- 8 Agosto: Santo Domingo, pari – Paggunita
- 9 Agosto: Santa Teresa Benedicta (Edith Stein), dalaga at martir – Malalaktawang Paggunita
- 10 Agosto: San Lorenzo, diakono at martir – Kapistahan
- 11 Agosto: Santa Clara, dalaga – Paggunita
- 12 Agosto: San Juana Francisca de Chantal, relihiyoso – Malalaktawang Paggunita
- 13 Agosto: San Pontian, papa, at Hipolito, pari, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 14 Agosto: San Maximilian Maria Kolbe, pari at martir – Paggunita
- 15 Agosto: Pag-aakyat sa Mahal na Birheng Maria – Dakilang Kapistahan
- 16 Agosto: San Esteban ng Hungaria – Malalaktawang Paggunita
- 19 Agosto: San Juan Eudes, pari – Malalaktawang Paggunita
- 20 Agosto: San Bernardo ng Clairvaux, abad at pantas ng simbahan – Paggunita
- 21 Agosto: San Pio X, papa – Paggunita
- 22 Agosto: Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria – Paggunita
- 23 Agosto: Santa Rosa de Lima, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 24 Agosto: San Bartolome, apostol – Kapistahan
- 25 Agosto: San Luis o di kaya’y San Jose ng Calasanz, pari – Malalaktawang Paggunita
- 27 Agosto: Santa Monica – Paggunita
- 28 Agosto: San Agustin ng Hippona, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 29 Agosto: Pagkamatay ni San Juan Bautista, martir – Paggunita
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 3 Setyembre: San Gregoriong Dakila, papa at pantas ng simbahan – Paggunita
- 8 Setyembre: Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria – Kapistahan
- 9 Setyembre: San Pedro Claver, pari – Malalaktawang Paggunita
- 12 Setyembre: Kabanal-banalang Ngalan ni Maria – Malalaktawang Paggunita
- 13 Setyembre: San Juan Crisostomo, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 14 Setyembre: Pagtatampok sa Krus na Banal – Kapistahan
- 15 Setyembre: Ang Birheng Maria, Ina ng Hapis – Paggunita
- 16 Setyembre: San Cornelius, papa, at Ciprian, obispo, mga martir – Paggunita
- 17 Setyembre: San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng simbahan; o di kaya’y Santa Hildegarda ng Bingen[3], dalaga at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 19 Setyembre: San Januario, obispo at martir – Malalaktawang Paggunita
- 20 Setyembre: San Andres Kim Taegon, pari, Pablo Chong Hasang, at kasamahan, mga martir – Paggunita
- 21 Setyembre: San Mateo, Apostol at Manunulat ng Mabuting Balita – Kapistahan
- 23 Setyembre: San Pio ng Pietrelcina (Padre Pio), pari – Paggunita
- 26 Setyembre: San Cosme at Damian, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 27 Setyembre: San Vicente de Paul, pari – Paggunita
- 28 Setyembre: San Wenceslao, martir; o di kaya’y San Lorenzo Ruiz at kasamahan, mga martir – Malalaktawang Paggunita
- 29 Setyembre: San Miguel, Gabriel, at Raphael, Mga Arkanghel – Kapistahan
- 30 Setyembre: San Geronimo, pari at pantas ng simbahan – Paggunita
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Oktubre: Santa Teresita ng Batang Hesus, dalaga at pantas ng simbahan – Paggunita
- 2 Oktubre: Mga Anghel na Taga-tanod – Paggunita
- 4 Oktubre: San Francisco ng Assisi – Paggunita
- 5 Oktubre: Santa Faustina Kowalska[5], dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 6 Oktubre: San Bruno, pari – Malalaktawang Paggunita
- 7 Oktubre: Ang Birhen ng Santo Rosaryo – Paggunita
- 9 Oktubre: San Dionisio at kasamahan, mga martir; o di kaya’y San Juan Leonardo, pari – Malalaktawang Paggunita
- 11 Oktubre: San Juan XXIII[6], papa – Malalaktawang Paggunita
- 14 Oktubre: San Calisto I, papa at martir – Malalaktawang Paggunita
- 15 Oktubre: Santa Teresa de Jesus, dalaga at pantas ng simbahan – Paggunita
- 16 Oktubre: Santa Eduvigis (Heidi), relihiyoso; o di kaya’y Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 17 Oktubre: San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir – Paggunita
- 18 Oktubre: San Lukas, Manunulat ng Mabuting Balita – Kapistahan
- 19 Oktubre: Sans Jean de Brébeuf, Isaac Jogues, mga pari at mga martir, at kanilang kasamahan, mga martir; o di kaya’y San Pablo dela Cruz, pari – Malalaktawang Paggunita
- 22 Oktubre: San Juan Pablo II[6], papa – Malalaktawang Paggunita
- 23 Oktubre: San Juan ng Capistrano, pari – Malalaktawang Paggunita
- 24 Oktubre: San Antonio Maria Claret, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 28 Oktubre: San Simon at San Judas Tadeo, mga apostol – Kapistahan
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 Nobyembre: Lahat ng mga Banal – Dakilang Kapistahan
- 2 Nobyembre: Paggunita sa Lahat ng mga Kaluluwa – kahanay ng Dakilang Kapistahan
- 3 Nobyembre: San Martin de Pores, relihiyoso – Malalaktawang Paggunita
- 4 Nobyembre: San Carlos Borromeo, obispo – Paggunita
- 9 Nobyembre: Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng San Juan, Letran sa Roma – Kapistahan
- 10 Nobyembre: Dakilang Papa San Leon , papa at pantas ng simbahan – Paggunita
- 11 Nobyembre: San Martin ng Tours, obispo – Paggunita
- 12 Nobyembre: San Josafat, obispo at martir – Paggunita
- 15 Nobyembre: Dakilang San Alberto, obispo at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 16 Nobyembre: Santa Margarita ng Escosia, o di kaya’y Santa Gertrudis, dalaga – Malalaktawang Paggunita
- 17 Nobyembre: Santa Isabel ng Unggaria, relihiyoso – Paggunita
- 18 Nobyembre: Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan nina San Pedro at San Pablo, mga apostol – Malalaktawang Paggunita
- 21 Nobyembre: Pagdadala sa Mahal na Birhen sa Templo – Paggunita
- 22 Nobyembre: Santa Ceciia – Paggunita
- 23 Nobyembre: San Clemente I, papa at martir; o di kaya’y San Columbano, abad – Malalaktawang Paggunita
- 24 Nobyembre: San Andres Dung-Lac at kasamahan, mga martir – Paggunita
- 25 Nobyembre: Santa Catalina ng Alejandria – Malalaktawang Paggunita
- 30 Nobyembre: San Andres, apostol – Kapistahan
- Huling Linggo ng Nobyembre: Ang Ating Panginoong Hesukristo, Hari ng Sansinukob – Dakilang Kapistahan
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 3 Disyembre: San Francisco Javier, pari – Paggunita
- 4 Disyembre: San Juan Damasco, pari at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 6 Disyembre: San Nicolas, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 7 Disyembre: San Ambrosio, obispo at pantas ng simbahan – Paggunita
- 8 Disyembre: Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria – Dakilang Kapistahan
- 9 Disyembre: San Juan Diego – Malalaktawang Paggunita
- 10 Disyembre: Ang Birheng Maria ng Loreto – Malalaktawang Paggunita
- 11 Disyembre: San Damaso I, papa – Malalaktawang Paggunita
- 12 Disyembre: Ang Birheng Maria ng Guadalupe – Malalaktawang Paggunita
- 13 Disyembre: Santa Lucia, dalaga at martir – Paggunita
- 14 Disyembre: San Juan dela Cruz, pari at pantas ng simbahan – Paggunita
- 21 Disyembre: San Pedro Canisio, pari at pantas ng simbahan – Malalaktawang Paggunita
- 23 Disyembre: San Juan de Kety, pari – Malalaktawang Paggunita
- 25 Disyembre: Ang Kapangakan ng Ating Panginoong Hesukristo (Pasko ng Pagsilang) – Dakilang Kapistahan
- 26 Disyembre: San Esteban, Unang Martir – Kapistahan
- 27 Disyembre: San Juan, Apostol at Manunulat ng Mabuting Balita – Kapistahan
- 28 Disyembre: Ang Mga Banal na Sanggol na Walang Malay, mga martir – Kapistahan
- 29 Disyembre: Santo Tomas Becket, obispo at martir – Malalaktawang Paggunita
- 31 Disyembre: San Sylvestre I, papa – Malalaktawang Paggunita
- Linggo sa Loob ng Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang (o di kaya’y, kung walang ganitong Linggo, sa ika- 30 Disyembre): Ang Banal na Mag-anak, Hesus, Maria at Jose – Kapistahan
Mga Pambansang Kalendaryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ikatlong Linggo ng Enero: Santo Niño (Ang Batang Hesus) – Kapistahan
- 6 Pebrero: San Pedro Bautista, Pablo Miki at kasamahan, mga martir – Paggunita
- 2 Abril (kung ito'y matatapat sa Linggo ng Kwaresma o sa Mahal na Araw, ang Sabado na sinundan nito): San Pedro Calungsod, martir – Paggunita
- 15 Mayo: San Isidro (Labrador) – Paggunita
- Huwebes kasunod ng Penteksotes: Ang Ating Panginoong Hesukristo, Dakila at Walang Hanggang Pari – Paggunita (sa ibang diosesis, ito'y Kapistahan)
- 16 Agosto: San Roque – Paggunita
- 19 Agosto: San Ezekiel Moreno, obispo – Malalaktawang Paggunita
- 23 Agosto: Santa Rosa de Lima, dalaga at ikalawang pintakasi ng bansang Pilipinas – Paggunita
- 28 Setyembre: San Lorenzo Ruiz at kasamahan, mga martir – Paggunita
- Miyerkules makalipas ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari: Misa Para sa Mga Pinag-uusig na Kristyano
- 8 Disyembre: Ang Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, Pangunahing Pintakasi ng Bansang Pilipinas ** – Dakilang Kapistahan (Pistang Pangilin)
** Ang araw na ito ay Araw ng Pasasalamat ng Bansang Pilipinas
- 12 Disyembre: Ang Birheng Maria ng Guadalupe, Makalangit na Pintakasi ng Bansang Pilipinas – Paggunita
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ANG MGA PANGKALAHATANG PATAKARAN TUNGKOL SA TAON NG LITURHIYA AT TUNGKOL SA KALENDARYO, Banal na Kalipunan Para sa Gawi sa Pagsamba, ika-21 ng Marso 1969; matatagpuan din ito sa "Ang Aklat ng Pamimisa sa Roma", 1981
- ↑ ANG MGA PANGKALAHATANG PATAKARAN TUNGKOL SA TAON NG LITURHIYA AT TUNGKOL SA KALENDARYO, Banal na Kalipunan Para sa Gawi sa Pagsamba, ika-21 ng Marso 1969; matatagpuan din ito sa "Ang Aklat ng Pamimisa sa Roma", 1981
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments. (2021, January 25). DECREE on the Inscription of the Celebrations of Saint Gregory of Narek, Abbot and Doctor of the Church, Saint John De Avila, Priest and Doctor of the Church and Saint Hildegard of Bingen, Virgin and Doctor of the Church, in the General Roman Calendar (25 January 2021). The Holy See. https://www.vatican.va/roman_curia/congregations/ccdds/documents/rc_con_ccdds_doc_20210125_decreto-dottori_en.html
- ↑ Congregation For Divine Worship And Discipline Of The Sacraments. (2021, January 26). DECREE on the Celebration of Saints Martha, Mary and Lazarus in the General Roman Calendar (26 January 2021). The Holy See. https://www.vatican.va/roman_curia/congregations/ccdds/documents/rc_con_ccdds_doc_20210126_decreto-santi_en.html
- ↑ Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments. (2020, May 18). Decree on the inscription of the celebration of Saint Faustina Kowalska, virgin, in the General Roman Calendar (18 May 2020). The Holy See. https://www.vatican.va/roman_curia/congregations/ccdds/documents/rc_con_ccdds_doc_20200518_decreto-celebrazione-santafaustina_en.html
- ↑ 6.0 6.1 Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments. (2014, May 29). Decree concerning the inscription of the Saints John XXIII and John Paul II in the General Roman Calendar (29 May 2014). The Holy See. https://www.vatican.va/roman_curia/congregations/ccdds/documents/rc_con_ccdds_doc_20140529_decreto-calendario-generale-gxxiii-gpii_en.html