Pumunta sa nilalaman

Pandesal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pandesal
Mga maiinit na pandesal na kadalasang pinapares sa kape para sa almusal
Ibang tawagPan de sal
UriTinapay
KursoAlmusal
LugarPilipinas
Pangunahing SangkapHarina, pampaalsa, asukal, asin, mantika

Ang pandesal (Kastila: pan de sal, lit. "tinapay na may asin") ay isang tinapay sa Pilipinas na karaniwang kinakain sa almusal.[1][2][3] Gawa ito sa harina, pampaalsa, asukal, mantika, at asin.[4][5]

Sikat na tinapay sa Pilipinas ang pandesal. Ang mga indibidwal na piraso ay hinuhubog na maging mahahaba at malabaston, at iginugulong sa mga dinurog na tinapay. Pagkatapos, hinahati, pinapaalsa, at niluluto sa hurno.

Kadalasan itong hinahain nang mainit at maaaring kainin nang mag-isa, o isawsaw sa kape, tsokolate, o gatas. Maaari rin itong palasahan ng mantikilya, margarin, keso, halaya, peanut butter, chocolate spread, o iba pang palaman kagaya ng itlog, sardinas at karne.

Kahawig ang lasa at tekstura nito sa pan de agua ng Porto Riko, baguette ng Pransiya, at bolillos ng Mehiko. Salungat sa pangalan nito, medyo matamis ang pandesal sa halip na maalat. Sa umaga gumagawa ng pandesal ang karamihan ng mga panaderya bilang pang-almusal, pero buong araw gumagawa ng pandesal ang mga iba.[6][7]

Ang ibang pandesal sa mga supermarket at panaderya ay di-gaano magaspang at mas maputi. Wari bang mas marami ang asukal nito kaysa sa tradisyonal na pandesal na may 1.75% asukal lamang.[8]

Sa Isla ng Siargao, mayroong pandesal na hugis-itlog na tinatawag na "pan de surf" dahil kahawig nito ang isang surfboard. Sikat ito katulad ng mga surfing spot. Niluluto ito sa mga hurno na pinapagana ng bunot ng niyog, at kadalasan ibinebenta kasama ng pan de coco.[9][10]

Minsan hinahalo ang pinatuyo at tinadtad na malunggay sa harina para maging mas masustansya; tinatawag itong "malunggay pandesal" o "malunggay bread".[8] Isang sikat na bagong uri ng pandesal ang ube cheese pandesal, na may ube at palamang keso. Kulay-lila ito katulad ng mga ibang pagkaing may ube.[11] Kasama sa iba pang mga kontemporaryong uri ang lasang tsokolate, matcha, istoberi at blueberry.[8]

Ang pasimula ng pandesal ay pan de suelo ("tinapay sa sahig"), isang lokal na Espanyol-Pilipinong uri ng baguette ng Pransiya na iniluto sa sahig ng pugon. Gawa ito sa harinang trigo at mas matigas at masgaspang ito kaysa sa pandesal. Dahil hindi katutubong gawa ang trigo sa Pilipinas, lumipat ang mga panadero sa paggamit ng mas mura ngunit mas mababang uri ng harina, kaya mas malambot at malamasa ang tekstura ng pandesal.[3][12]

Yumabong ang pandesal noong panahong Amerikano sa umpisa ng dekada 1900, kung kailan madaling kunin ang trigo mula sa Amerika. Mula noon, naging pangunahing tinapay ito pang-almusal sa Pilipinas.[3][13]

Nabawasan ang pagbeyk ng pandesal sa pugon dahil sa pambansang pagbabawal sa pagputol ng mga bakawan para sa gatong, at lumipat ang mga panandero sa paggamit ng hurnong ginagatungan ng gas.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 158 at 189, ISBN 9710800620
  3. 3.0 3.1 3.2 Shah, Khushbu. "How Pandesal Became a Filipino Breakfast Staple" [Kung Paano Naging Breakfast Staple Ang Pandesal sa Pilipinas]. Eater (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Pandesal." Naka-arkibo 02-22-2014 sa Wayback Machine. Pinoyslang.comNaka-arkibo 01-04-15 sa Wayback Machine. Nakuha noong Hulyo 2011.
  5. "Pandesal (Filipino Bread Rolls)-The Little Epicurean" (sa wikang Ingles). 20 Agosto 2015. Nakuha noong 20 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  6. "Pan de Sal - Filipino Salted Bread Rolls | Apple Pie, Patis, and Pâté". web.archive.org (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobyembre 2008. Nakuha noong 14 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Pandesal - kawaling pinoy" (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2013. Nakuha noong 20 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Grana, Rhia (18 Oktubre 2020). "The rise and rise of flavored pandesal, or how a humble bread became a canvas for Pinoy creativity" [Ang pagbangon at pagbangon ng flavored pandesal, o paano naging canvass para sa pagkamalikhain ng Pinoy ang isang mapagkumbabang tinapay]. ANCX (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Oktubre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Catoto, Roel (26 Setyembre 2013). "Pan de Surf". MindaNews (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-07. Nakuha noong 28 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Siargao beyond surfing: A 'Biyahe ni Drew' itinerary" [Siargao maliban sa surfing: Isang itineraryong 'Biyahe ni Drew'] (sa wikang Ingles). GMA News Online. 24 Abril 2015. Nakuha noong 28 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Ube Cheese Pandesal". Kawaling Pinoy. Nakuha noong 11 Hulyo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Estrella, Serna. "The Secret History Behind Pan de Regla and Other Panaderia Eats" [Ang Sikretong Kasaysayan sa Likod ng Pan de Regla at Ibang Pagkain sa Panaderya]. Pepper (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2021. Nakuha noong 23 Abril 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. admin. "Pan de Sal: Philippine National Bread | The Daily Roar" [Pandesal: Pambansang Tinapay ng Pilipinas | The Daily Roar]. thedailyroar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Hulyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)