Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Cordillera Administrative Region | |
Sentro ng rehiyon | Baguio City |
Populasyon
– Densidad |
1,365,220 75 bawat km² |
Lawak | 18,294 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
3 1 76 1176 7 |
Wika | Ilokano, Kalinga, Kankanaey, Ifugao, Itneg, Isneg, Pangasinese, at iba pa |
Ang Rehiyong Administratibo ng Cordillera[1] (Ingles: Cordillera Administrative Region, CAR) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan ng mga katutubong tribong tinatawag na Igorot.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 18 Hunyo 1966, naisabatas ang Republic Act No. 4695[2] na naghahati sa Mountain Province sa apat na magkakahiwalay na mga lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao.
Bago nabuo ang Rehiyon Pampangasiwaan ng Cordillera, ang apat na lalawigan, ang Benguet, Mountain Province, Ifugao at Kalinga-Apayao ay bahagi ng Lambak ng Cagayan, samantalang ang Abra ay nakapangkat sa Ilocos.
Noong 15 Hulyo 1987, iniutos ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Executive Order No. 220 na lilikha sa Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, na kinabibilangan ng Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga-Apayao at isinama ang lalawigan ng Abra bilang bahagi nito.
Noong 14 Pebrero 1995, ang lalawigan ng Kalinga-Apayao, isa sa limang lalawigan ng rehiyon ay hinati sa dalawang magkahiwalay na lalawigan, ang Apayao at Kalinga.[2]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pampolitika na dibisyon
Lalawigan/Lungsod | Kapital | Populasyon (2000) |
Area (km²) |
Kapal ng pop. (per km²) | |
---|---|---|---|---|---|
Benguet | La Trinidad | 330,129 | 2,599.4 | 127.0 | |
Ifugao | Lagawe | 161,623 | 2,517.8 | 64.2 | |
Mountain Province | Bontoc | 140,439 | 2,097.3 | 67.0 | |
Lungsod ng Baguio † | — | 252,386 | 57.5 | 4,839.3 |
¹Ang Lungsod ng Baguio ay isang mataas na urbanisadong lungsod; ang estadistika nito ay hiniwalay sa Benguet.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 23, 2021. Nakuha noong Marso 27, 2018.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 http://laws.chanrobles.com/ph/ra/republicactno4695.html