Wikimedia Foundation Universal Code of Conduct
Aprubado ang patakarang ito ng Board of Trustees ng Wikimedia Foundation. It may not be circumvented, eroded, or ignored by Wikimedia Foundation officers or staff nor local policies of any Wikimedia project. Per resolution by the Foundation's Board, the Universal Code of Conduct (UCoC) applies to all Wikimedia projects and spaces as well as Foundation activities, including events it hosts and events it funds or supports with other resources. Dapat mong malaman na kung sakaling may pagkakaiba sa kahulugan o interpretasyon sa pagitan ng orihinal na bersyon sa Ingles ng nilalaman na ito sa isang salin nito, dapat manaig ang orihinal na bersyon nito sa Ingles. |
Bakit mayroon tayong Unibersal na Kodigo ng Asal
Naniniwala kami sa pagpapalakas ng maraming tao hangga't maaari na makisali sa mga proyekto at espasyo ng Wikimedia, para maabot ang aming pangarap ng isang mundo kung saan kahit sino ay kayang makipagbahagi sa kabuuan ng kaalamanng pantao. Naniniwala kami na ang aming mga komunidad ng mga tagapagambag ay dapat maging samu't-sari, nagpapabilang, at nalalapitan hanggang maari. Gusto namin na ang mga komunidad na ito ay maging positibo, ligtas at malusog na kapaligiran para sa kahit sinong sumali (at mga gustong makisali). Kami ay nakatuon sa pagtiyak na ito ay nananatiling gayon, kabilang ang pagtanggap sa Kodigo ng Asal na ito at ang muling pagbisita para sa mga pagbabago pag kinakailangan. Gusto rin namin maprotektahan ang aming mga proyekto laban sa mga naninira at nagbabaluktot ng mga nilalaman nito.
Naaayon sa Wikimedia mission, lahat ng mga nakikisali sa proyektong Wikimedia ay:
- tutulong na gumawa ng mundo kung saan kahit sino ay kayang makibahagi sa kabuuan ng kaalamang pantao
- magiging bahagi ng isang pangdaigdig na komunidad na iiwas sa pagkiling, at
- sisikap patunga sa katumpakan at pagpapatunay sa mga gawa nito.
Itong Unibersal na Kodigo ng Asal (Universal Code of Conduct; UCoC) ay nagpapaliwanag ng pinakakaunting pulutong ng panuntunan sa mga inaasahan at di naaaring ugali. Ito ay nagagamit sa lahat ng taong nakikipagbahagi at nagaambag sa mga proyekto at espasyong Wikimedia. Kasama dito ang bago at bihasang tagapagambag, mga may karapatan sa mga proyekto, mga tagapaghanda at mga kalahok ng mga kaganapan, empleyado at miyembro ng Lupon ng mga Katiwala ng Pundasyong Wikimedia. Ito ay nagagamit sa mga proyektong Wikimedia, teknikal na espasyo, personal at virtual na mga kaganapan, at pati na rin sa mga nabibilang:
- mga pribado, publiko at semi-publikong ugnayan
- mga usapan sa di pagkakasundo at mga pagbahagi ng pagkikiisa ng mga miyembro ng komunidad
- mga isyu sa teknikal na pag-unlad
- mga aspekto ng pagaambag ng nilalaman
- mga panahon ng pagkakatawan ng mga kaakibat o mga komunidad sa mga katuwang sa labas.
1 – Pambungad
Ang Unibersal na Kodigo ng Asal ay nagbibigay ng kinakailangang ugali para sa mga pandaigdigang proyekto ng Wikimedia. Ang mga komunidad ay maaring dumagdag dito para gumawa ng mga patakarang binibilang din ang lokal at kultural na konteksto, habang ginagamit ang mga pamantayan na nakalist dito bilang pinakamababang pamantayan .
Ang Unibersal na Kodigo ng Asal ay nagagamit na pantay sa lahat ng mga Wikimedian na walang pagbubukod. Mga gawain na di sang-ayon sa Unibersal na Kodigo ng Asal ay maaring magdulot ng parusa. Maari itong ipataw ng mga napiling may karapatan sa mga proyekto (ayon sa kanilang lokal na konteksto) at/o ng Pundasyong Wikimedia bilang legal na may-ari ng mga plataporma.
2 – Inaasahang ugali
Lahat ng Wikimedian, kahit sila ay bago o bihasa, mga may karapatan sa mga proyekto ng komunidad, kaakibat o miyembro ng Lupon ng mga Katiwala o empleyado ng Pundasyong Wikimedia, ay nananagot sa kanilang mga sariling ugali.
Sa lahat ng mga proyekto, espasyo at kaganapang Wikimedia, ang ugali ay nangagaling dapat sa respeto, galang, pagtutulungan, pagkikiisa at mabuting pagkamamamayan. Ito ay nagagamit sa lahat ng mga nakikibahagi at nakikibilang sa kanilang mga ugnayan sa nakikibahagi at nakikibilang, na walang pagbubukod batay sa kanilang edad, mental o pisikal na kapansanan, pisikal na itsura, pambansa, pangrelihyon, pangetniko at kultural na pinanggagalingan, kasta, panlipunang uri, katatasan ng wika, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian, kasarian, o larangan sa karera. Hindi rin dapat magbukod batay sa katayuan, kasanayan, o mga nagawa sa mga proyekto o kilusang Wikimedia.
2.1 – Respeto sa kapwa
Inaasahan naming lahat ng mga Wikimedian ay magpakita ng respeto para sa iba. Pag nakikipag-usap, kahit ito man ay nasa online o offline na kapaligiran, respetuhin natin ang isa't-isa.
Kasama rito ang, ngunit di lamang limitado sa:
- Magmalasakit. Makinig at subukan intindihin ang mga gusto sabihin ng mga Wikimedian na may iba't-ibang pinanggagalingan. Humandang labanan at bagayin ang sariling pagkakaunawa, ekspektasyon at ugali bilang Wikimedian.
- Ipalagay ang mabuting asal, at makipagbahagi sa nakabubuong pagiiba; ang iyong mga binabago ay dapat ipinapabuti ang kalidad ng proyekto o gawain. Magbigay at tumanggap ng puna na may mabuting loob. Ang mga pagpuna ay dapat ibigay sa sensitibo at nakabubuong paraan. Lahat ng mga Wikimedian ay dapat magpalagay maliban kung may ebidensya na hindi totoo na ang mga iba ay nandito para sama-samang ipabuti ang mga proyekto, ngunit di rapat ito ginagamit para bigyan katwiran and mga kasabihang may masamang kalabasan.
- Galangin ang paraang itinitawag at inilalarawan ng mga nakikibahagi ang sarili nila. Maaring gumamit ang tao ng tiyak na salita para ilarawan ang sarili. Bilang tanda ng panggalang, gamitin ito pag nakikipag-usap kasama ang o tungkol sa mga taong ito, kung saan man posible sa wika o teknikal. Halimbawa:
- Ang mga pangkat etniko ay maaaring gumamit ng takdang pangalan para ilarawan ang sarili, sa halip na gamitin ang pangalan na kasaysayang ginagamit ng iba;
- Ang ibang tao ay maaaring gumagamit ng pangalan na may letra, tunog, o salita galing sa kanilang wika na maaaring hindi pamilyar sa iyo;
- Ang ibang tao na nakikilala sa isang partikular na oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian na gumagamit ng natatanging pangalan o panghalip;
- Ang ibang tao na may pisikal o mental na kapansanan ay maaring gumamit ng tiyak na salita upang ilarawan ang sarili
- Sa mga sa-personal na pagpulong, ikinalulugod-lugod namin ang lahat at alalahanin at gagalangin namin ang kagustuhan, hangganan, sensibilidad, tradisyon, at pangangailangan ng isa't-isa.
2.2 – Paggalang, pagtutulungan, pagkikiisa at mabuting pagkamamamayan
Sinisikapan namin ang mga ugaling ito:
- Ang paggalang ay ang pagiging magalang sa pag-uugali at pakikipag-usap sa mga ibang tao, kabilang ang mga hindi kilala.
- Ang pagtutulungan ay ang magiliw na pagsuporta na ibinibigay ng isa't-isa sa mga taong nakikisama sa isang karaniwang sikap.
- Ang pagkikiisa at mabuting pagkamamamayan ay nangangahulugan sa pagiging responsable na ang mga proyektong Wikimedia ay produktibo, kaaya-aya at ligtas na espasyo, at naga-ambag sa misyong Wikimedia.
Kasama rito ang, ngunit di lamang limitado sa:
- Pagtuturo: Pagtulong sa mga bagong-dating sa paghanap ng daan at pagkuha ng mga mahahalagang kasanayan.
- Antabayanan ang kapwa nakikibahagi: Bigyan sila ng tulong pag kailangan nila ng suporta, at magsalita para sa kanila pag sila ay tinatrato sa paraang di umaabot sa inaasahang ugali batay sa Unibersal na Kodigo ng Asal.
- Pansinin at bigyan halaga ang trabahong ginagawa ng ibang nakikbahagi: Pasalamatan sila para sa kanilang tulong at trabaho. Ipahalaga ang kanilang mga pinagsikapan at bigyan sila ng pagpapatungkol kung saan kinakailangan.
2 – Hindi-naaring ugali
Layunin ng Unibersal na Kodigo ng Asal na tulungan ang mga miyembro ng komunidad na kilalanin ang mga sitwasyon ng masamang ugali. Ang mga ugaling ito ay tinuturing na hindi katanggap-tanggap sa kilusang Wikimedia:
3.1 – Panliligalig
Kasama dito ang kahit anong ugali na isinisadyang takutin, galitin o magpasama ng loob ng tao, o anumang ugali kung saan ito ay makatuwirang maituturing na pinakamalamang na resulta. Ang ugali ay posibleng maituring na panliligalig pag ito ay lampas sa anumang makatuwiran na nakakayang payagan ng isang tao sa isang pandaigdigang, inter-kultural na kilusan. Ang panliligalig ay kadalasang nasa anyo sa abusong emosyonal, lalo na sa mga tao na nasa mahinang posisyon, at naaaring nasasama ang pakikipag-ugnay sa mga lugar ng trabaho o kaibigan at pamilya upang manakot o magpahiya. Minsan, ang ugali na di umaabot sa panliligalig ng isang beses lamang ay maaaring maging panliligalig pag inulit-ulit. Ang mga halimbawa ng panliligalig ay kasama rito, ngunit di limitado sa:
- Mga insulto: Kasama dito ang pagtawag ng pangalan, paggamit ng slur o estereotipo, at ang kahit anong atake batay sa personal na katangian. Ang mga insulto ay maaring sumasangguni sa mga mahihiwatigang katangian tulad ng katalinuan, itsura, etnisidad, lahi, relihyon (o pagkawala ng relihyon), kultura, kasta, oryentasyong sekswal, napiling kasarian, kasarian sa kapanganakan, kapansanan, edad, nasyonalidad, kaakibat sa pulitika, o iba pang katangian. Minsan, ang pauli-ulit na pangungutya, panunuya, o pagsalakay ay nabibilang na insulto pag binilang na iisa, kahit ang mga nagiisang pahayag nito ay hindi nabibilang.
- Sekswal na panliligalig: Sekswal na atensyon o pagsulong ng kahit anong kasarian patungo sa iba kung saan alam o makatwirang dapat alam ng tao na ito ay hindi tinatanggap o kung saan ang pahintulot ay hindi kayang maipaalam.
- Pagbanta: Tahasan o tuwirang iminumungkahi ang posibilidad ng pisikal na karahasan, hindi patas na kahihiyan, hindi patas at makatwiran na pinsala sa reputasyon, o pananakot gamit ang pagmunkahi ng walang-dahilang legal na aksyon para manalo sa pangangatwiran o upang pilitin ang isang taong gawin ang gusto.
- Paghikayat ng pinsala sa iba: Kasama dito ang paghikayat ng ibang tao na saktan ang sarili o magpakamatay o ang paghikayat ng ibang tao na gumawa ng marahas na atake laban sa ikatlong partido.
- Pagsisiwalat ng personal na datos (doxing): Ang pagbabahagi ng pribadong impormasyon ng mga ibang tagapag-ambag, tulad ng pangalan, lugar ng trabaho, tirahan o e-mail address na walang tahasang pagpayag sa mga proyektong Wikimedia man o kung saan pa, o ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kanilang Wikimedia na gawain sa labas ng mga proyekto.
- Pangangaso: Pagsunod ang tao sa magkakaibang proyekto at paulit-ulit na pinupuna ang kanilang gawain na may sadyang ipasama o ipaghina ang loob nila. Kung mayroon paring problema matapos sikapan na sila'y kausapin at turuan, maaring tugunan sila gamit ang mga naitatag na prosesong komunidad.
- Trolling: Sadyang ginugulo ang mga usapan o naglalathala na may masamang asal upang magpagalit.
3.2 – Abuso ng lakas, karapatan, o kapangyarihan
Nangyayari ang abuso pag mayroong tao na nasa totoo o hinihinalaang posisyon ng lakas, karapatan, o kapangyarihan na umaakit sa walang galang, malupit, at/o marahas na ugali patungo sa ibang tao. Sa mga kapaligirang Wikimedia, it ay maaring nasa anyong salita o sikolohikal na abuso at maaring sumanib sa panliligalig.
- Abuso ng opisina ng mga taong may dagdag karapatan sa mga proyekto, opisyal, at kawani: Ang paggamit ng kapangyarihan, kaalaman, o kayamanan na nagagamit ng mga may karapatan sa mga proyekto, opisyal, at kawani ng Pundasyong Wikimedia o mga kaakibat Wikimedia, upang takutin o magbanta ng iba.
- Abuso ng kataasan at koneksyon: Ang paggmit ng sariling posisyon o reputasyon para takutin ang iba. Inaasahan naming ang mga tao na bihasa o may mga koneksyon sa kilusan na kumilos ng maingat dahil ang mga masamang komento galing sa kanila ay may posibleng hindi sinasadyang masamang kinalabasan. Ang mga mayroong lakas sa komunidad ay may partikular na pribilehiya na maasahan at hindi dapat nila abusuhin ito para atakehin ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila.
- Sikolohikal na pagmamanipula: Malisyosong pagiging sanhi ng pagduda ng isang tao sa sariling pananaw, pandama, o pagkakaunawa, na may layuning manalo sa pangangatwiran o upang pilitin ang isang taong gawin ang gusto.
3.3 – Paninira ng nilalaman at pang-aabuso ng mga proyekto
Sadyang pagdagdag ng kumikiling, mali, hindi tumpak, o hindi nararapat na nilalaman, o ang paghadlang, pagpigil o pagbagal ng paggawa (at/o pagwasto) ng nilalaman. Kasama rito ang, ngunit di lamang limitado sa:
- Paulit-ulit na arbitraryo o walang motibong pagtanggal ng nilalaman na walang pagsubok ng wastong usapan o pagbigay ng pagpapaliwanag.
- Systematikong pagmanipula ng nilalaman upang panigan ang nag-iisang interpretasyon ng katotohanan o tuldok-pananaw (kasama na rin ang hindi tapat o sadya na maling gamit ng pinagbatayan at pagpalit ng wastong pamamaraan ng kompusisyon ng mga nilalama'ng pang-editoryal.
- Mapoot na salita sa kahit anong anyo, o maselan na lenggwahe upang siraan, ipahiya, o mag-udyok ng poot laban sa mga indibidwal o grupo batay sa kung sino sila o ang kanilang sariling paniniwala.
- Ang paggamit ng mga simbolo, imahe, kategorya, tag, o iba pang nilalaman na nakakatakot o nakakasakit ng iba sa labas ng kontekstong ng ensiklopedikong pang-impormasyon na paggamit. Kasama dito ang pagpataw ng panukala na may layuning mag marginalize o magtakwil.